FIFTY TWO

10K 391 64
                                    

Thank you 😊
Wizoneforvs
💙💙💙

Azura's POV:

"Is she really your girlfriend?" Pukaw ko sa kanya.

Parang ang lalim kasi ng iniisip nya habang nakatingin sa labas ng bintana.

Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon, Ihahatid ko kasi s'ya pabalik sa kanila. Mabuti nalang dahil hindi pa ganun ka busy ang daan.

"Oo, she's my girl friend." Plain na sagot nito.

Napatiim bagang ako dahil sa narinig, yung bigat ng kalooban ko mas lalo lang nadagdag. Pakiramdam ko ay pinag taksilan ako nito.

"Kelan pa?" cold na tanong ko dito.

"Since we were kids." tila walang ganang sagot nito.

Nag sisimula na kong makaramdam ng inis dahil sa paraan ng treatment nya sa'kin.

"So nung may nangyari satin, kayo na? Anong tingin mo sa'kin, kabet mo?" angil ko sa kanya at saka ko sya tinignan ng masama.

Kunot noo itong tumingin sa'kin na tila naguguluhan sa mga pinag sasabi ko.

"You misunderstood, what I mean girl-friend as in babaeng kaibigan. But maybe soon..." wika nito and paused for a moment. "Kapag fully move-on na ko sayo." dugtong nito.

Napahigpit ang hawak ko sa manubela matapos marinig yun.

"As if you got a chance..." tiim bagang sagot ko.

As if may chance na maging pag aari ka ng iba!

"Bakit hindi? Mutual naman kami simula pa noon, and she might consider me as a man kapag nalaman nya ang totoong kasarian ko. That way hindi magiging hadlang na babae ako sa panlabas."

"So hindi nya pa alam yang sekreto mo?" tanong ko dito.

Kahit papano ay may lamang pa rin ako sa babaeng yun.

"Pero kilala ko s'ya at alam kong open minded sya pag dating sa bagay na yun. Kaya sasabihin ko rin sa kanya, in no time." pagpapatuloy nito.

Yung inis at galit sa loob ko, tila di ko na mapigilan.

"Fuck you Livvy! Why are you doing this? Alam mong mahal kita pero ba't sinasabi mo to sa'kin ngayon?!"

"Tungkol d'yan hindi na ko sigurado Azura, baka nga gusto mo lang ako or baka nga infatuation lang yang nararamdaman mo." sagot nito.

"Mas kilala ko ang sarili ko Livvy, alam ko kung ano ang nararamdaman ko." giit ko.

"At dapat alam mo rin kung kailan dapat tumigil tama? Cause if you really love me, handa kang harapin lahat ng consequence." ganti nito na ikinatigil ko.

"B-bakit? Para sa'yo ba madaling aminin sa lahat kung anong sekreto meron ka?" pang hahamon ko dito.

Sa parteng yun parehas kaming may kinakatakutan, at dapat alam n'ya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

"Kaya ko ng sabihin ngayon sa lahat, and I'll prove it to you." seryosong sagot nito.

Bigla kong inapakan ang preno ng sasakyan ng muntik ko ng malampasan ang bahay nina Livvy.

"W-we're here." sambit ko ng di makatingin sa kanya.

Mabilis itong naka labas ng sasakyan at bago muling isinara ang pinto ay hinarap pa ko nito.

"Salamat sa paghatid, ingat ka." Nakangiting sabi nito pero hindi iyon abot sa mga mata nya.

Tumango lang ako bilang sagot, at agad na umiwas ng tingin. Kasunod nun ay ang pag sara ng pinto ng sasakyan.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon