EIGHTEEN

9K 450 138
                                    

Dedicated to: DeltaAmore ❤️

Livvy's POV:

Kakababa ko lang ng sasakyan ni Ma'am Amari ng biglang sumulpot na parang kidlat ang sasakyan ni Miss Azura.

Wow! Ang bilis nahabol pa nila kami?

Agad bumukas ang pinto ng driver's seat, bumungad sakin ang galit na mukha ni Miss Azura. At ang sama ng tingin nito sa'kin na para bang ang laki ng nagawa kong kasalanan.

Lumapit ito sa kinatatayuan ko at walang pasabing hinablot ang kamay ko saka hinila.

"T-teka Miss." Reklamo ko dito at pilit na binabawi ang kamay ko pero mahigpit ang pag kakahawak nito sa kamay ko.

"Just shut up, will you?!" Inis na saad nito.

Halos kaladkarin na 'ko nito papasok sa elevator, tanaw ko si Ma'am Amari at Miss Devyn na nakatingin lang sa gawi namin.

Nang mag sara ang elevator, saka ako hinarap nito at parang pinapatay na sa tindi ng tingin nito sakin.

"Why do you keep doing that?!" galit na tanong nito.

"Ang alin po?"

"Yung kanina sa clinic, tapos ngayon naman sa parking lot." Sagot nito na tila pinipigilan ang pag taas ng boses.

"Ano po bang tinutukoy mo Miss?"

Di ko kasi talaga ma gets ang pinupunto nito.

Bumukas ang elevator, at muli nanaman ako nitong hinawakan para kaladkarin papasok sa susunod na elevator.

"Alam kong sinasadya mo kaming iwan ni Devyn!"

"Syempre po, para makapag solo kayo."

Oh oh!

Mali ata ang nasabi ko dahil mas tumindi pa ang sama ng tingin nito sakin, at nag lakad papalapit sa pwesto ko. Ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa ma corner ako nito, inilapit nito ang mukha sa akin. Kaya napapikit ako ng mariin, at napigil ang aking pag hinga.

"Gusto mo bang maranasan kung paano ako magalit? Fine! I'll show you." Bulong nito sakin ng may diin sa bawat salitang sinasabi.

Nakahinga ako ng maluwag ng agad itong lumayo matapos sabihin yun.

"M-missy, kalmahan mo lang... Inaasar lang naman kita." Sagot ko dito, baka sakaling kumalma ito.

"Alam mo ang isa sa ayaw ko, yung kagaya ni Mommy." sagot nito.

Sakto namang nag bukas ang elevator, kaya agad itong lumabas. Tahimik ko itong sinundan, at napapaisip sa sinabi nito.

Bigla kong naalala yung pangalawang araw nakita ko s'ya, iyon yung araw na tinutukso sya ng Mommy nya sakin.

Okay now I get it, ayaw nya pala nun. Kaya pala galit na galit sya.

Patakbo ko itong sinundan sa loob ng unit.

"Missy, I'm sorry..." Malakas kong sabi na nag patigil sa pag lalakad nya.

"Alam mo ba kung bakit ka nag so-sorry?" tanong nito sakin at muli akong hinarap.

"Oo, kasi tinutukso kita sa bestfriend mo. Naalala kong nainis ka before nung tinutukso ka rin ni Ma'am Aira sa s--."

"Exactly! Ayaw na ayaw ko nun." Putol nito sa sinasabi ko.

"Sorry na Missy..." Nakanguso kong sabi.

"Eww, tigilan mo nga yan. Di ka cute." Sagot nito sabay irap, at muli akong tinalikuran.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Where stories live. Discover now