FOURTY EIGHT

9K 378 91
                                    

Special thanks to:
Author justxyla
For your suggestions 🥰

Azura's POV:

Mag da-dalawang linggo na rin ang nakakaraan mula ng huling pag uusap namin ni Livvy. And up until now hindi ko pa rin napag iisipan ang mga sinabi nito, masyado kasi akong nag focus sa may pakana ng post na biglang kumalat sa buong school. Hindi lang yun, may panibago nanaman itong pinakalat and this time ay video iyon kung saan may kahalikan akong babae. Mabuti nalang dahil hindi ito nakilala ng karamihan dahil sinadyang takpan ang mukha ni Livvy.

Gigil na gigil akong mahuli ang may kagagawan nun. At sisiguraduhin kong ipapa kick out ko sa school kung sino man ang may gawa nun.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na doorbell mula sa pinto ng unit namin, linggo kasi ngayon at nasa condo lang kami ni Devyn. Wala rin kasi ako sa mood para gumala o lumabas, kaya nag oorder nalang kami ng pag kain online kapag nakakaramdam na ng gutom.

Mabilis akong nag tungo sa pinto para pag buksan ang taong kanina pa nag do-doorbell.

Pagbukas ko ng pinto agad na tumabad sa'kin ang mukha ni Lucius .

"Oh Hi!" nakangiting bati ko dito saka bumeso.

Bahagya pa akong tumingkayad para lang maabot ito, matangkad kasi ang pinsan kong ito.

"Hello Azura..." Seryosong bati nito at yumuko ng kunti para salubungin ang pag beso ko

"Come in." aya ko dito ng humiwalay.

Nag patiuna itong pumasok, sinara ko muna ang pinto bago sumunod dito. Agad itong umupo sa sofa na nasa tapat ng TV.

Ako naman ay pumunta muna sa kusina para ikuha ito ng maiinom. Sakto naman na lumabas si Devyn mula sa kwarto nito, bakas rin ang gulat sa mukha nito ng makita si Lucius.

"Hi Lu." bati nito saka bumeso.

"Hello Dev." ganti ng pinsan ko.

"What brings you here?" tanong ni Devyn.

Buti nalang at natanong nito, dahil kanina ko pa gustong itanong yun.

Nakakapagtaka kasing binisita kami nito, knowing na busy itong tao. Nag salin ako ng juice sa tatlong baso at inilagay iyon sa tray.

Inilapag ko ang dala kong tray sa center table malapit sa kung saan nakaupo sina Devyn at Lucius. Pansin ko ang panginginig ng kamay nito matapos kumuha ng juice, at agad na ininom.

"I have something important to tell you couz." panimula nito.

"Tungkol saan?" tanong ko saka umupo sa tabi ni Devyn.

Pinilit kong kumalma kahit na ang totoo ay sobra akong kinakabahan, lalo na't tungkol nanaman sakin ang sasabihin nito.

Pareho kami ni Devyn na nakatitig lang kay Lucius at inaabangan ang mga sasabihin nito.

"K-kilala ko kung sino ang nag popost sa facebook page ng school." sambit nito.

Biglang umakyat lahat ng inis at galit ko ng banggitin n'ya ang tungkol sa mga post na yun.

"Tell me, sino s'ya? Kilala ko ba?" sunod-sunod na tanong ko.

"But please promise me, kumalma ka. Ayokong magkagulo kayo Azura, hindi ko lang talaga kayang basta nalang manood kahit na alam ko ang totoo." sambit nito.

"I can't promise you that Lucius, just tell me... Sino ba s'ya?!" galit na tanong ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Devyn na ngayon ay nasa balikat ko.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu