ELEVEN

9K 414 124
                                    

Livvy's POV:

Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa aking pisngi, sanhi para magising ako mula sa pag kakatulog.

"Wake up snoring pig." rinig ko pang sabi nito.

Unti-unti kong minulat ang aking mata, at nilingon ang taong may sabi nun.

Sumalubong sakin ang mukha ni Miss Dev.

Gorgeous! yan agad ang unang pumasok sa isip ko.

I stared at her dumbly.

Paano ba naman kasi ang ganda nya, kahit nuknukan ng sungit at arte.

"Livvy! I said stop staring!" She looked irritated, late na rin nag sink in sa utak ko na kanina nya pa ako sinisita.

Ay oo nga pala, ayaw nya nga pala ng tinititigan.

Muli ko itong ninakawan ng tingin, napansin ko ang panandaliang pamumula ng pisngi nito di ko alam kung totoo or guni-guni ko lang yun. Hindi ko nalang din iyon pinansin.

"Bilisan mo na kayang kumilos? Late na ko eh." inis na sabi nito.

Nag madali naman akong tumayo at sinuklay ang buhok gamit ang aking kamay. Sinukbit ko na rin sa balikat ko ang aking bag.

Actually sya lang naman ang male-late sa aming dalawa, dahil 2pm pa mag sisimula ang klase ko.

"Okay na po, tara na?" I asked.

Tinignan muna ako nito mula ulo hanggang, pagkatapos ay lumapit sakin.

Bahagya pa akong napaatras dahil sa ginawa nitong pag lapit, nakaka concious kasi kapag sobrang lapit nito.

"Ano ba?! Stay still." she said.

Iniangat nito ang kanyang kamay, at inayos ang collar ng suot ko. Pag katapos ay inayos ang pag kaka-fold ng mag kabilang sleeves ng damit ko.

Teka akala ko ba late na sya? Ba't nakuha pa 'ko nitong ayusan? Bahala s'ya, siya naman ang male-late at hindi ako.

"Much better, mukha kang dugyot kanina." sabi pa nito.

Makapanlait naman...

"Salamat Ma-- Miss Dev." muntik ko pa itong natawag na Ma'am.

Imbes na mag welcome, nakuha pa ako nitong irapan.

Ang sungit talaga...

Nauna na itong lumabas, sumunod naman ako dito. Dumaan muna ito sa table ng nurse na nag ngangalang Joy, at may kung anong sinabi or binilin dito. Di ko na rin kasi pinakinggan, di rin naman ako kasama sa usapan.

Paglabas namin ng clinic, saka kami nag hiwalay ng landas. Halatang nag mamadali na rin ito, base sa mabilis nitong pag lalakad.

Naisipan kong mag ikot-ikot muna sa buong campus, total mamaya pa naman ang sunod na klase ko.

Ng mapagod ang mga paa ko sa pag lalakad, nag palinga-linga ako sa paligid para mag hanap ng pwede kong tambayan habang nag hihintay.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng bigla kong mabunggo ang isang babae. Napangiwi pa ako ng sumaboy sa damit nito ang dala-dala nitong milk tea.

"What the hell?!" she yelled.

Napapikit naman ako ng mariin dahil sa sigaw nito na.

"I'm sorry Miss, di kasi kita napansin kanina." hinging paumanhin ko.

"Sorry my ass! Bulag kaba para di mo ko makita?!" bulyaw nito.

"Sorry talaga Miss." tanging nasabi ko lang saka sinubukang punasan ang damit nito gamit ang aking panyo.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Where stories live. Discover now