TWENTY TWO

9K 415 103
                                    

Livvy's POV:

Nagising ako dahil sa mahinang katok na nanggagaling sa pinto ni Miss Azura, tinignan ko ang katabi ko. Mahimbing pa rin itong natutulog.

Mabilis kong binuksan ang pinto dahil baka magising si Miss Azura dahil sa sunod-sunod na katok ng pinto.

Gulat na mukha ni Miss Devyn ang bumungad sakin.

"Oh! Nandito ka pala." Walang ganang saad nito ng makita ako. "Where's Azura?" tanong nito at tinignan ang likuran ko.

Malawak kong binuksan ang pinto.

"Natutulog po." Sagot ko dito, saka lumabas na ng silid.

"So kumusta ng pakiramdam mo?" tanong nito na ngayon ay sinundan ako papunta sa kusina.

"Okay naman po ako, salamat kay Miss Azura." sagot ko.

"Mag luluto kaba?" Tanong nito.

"Opo Miss Dev." sagot ko saka ito tinignan.

Lately pansin kong formal lang din itong makipag usap sakin gaya ng ginagawa ko sa kanya.

"Wag na, kakain tayo sa labas with some friends. Gigisingin ko nalang si Azura." saad nito saka nag lakad pabalik sa silid ni Miss Azura.

"Pwede po bang di nalang ako sumama?" Pahabol kong tanong.

"You have to, hahanapin ka sakin ni Miss Amari... Bilin nyang isama ka namin."

Di ba sila napapagod? Sa loob ng isang linggo ilang beses sila kung lumabas.

Wala na kong nagawa kundi ang mag ayos ng sarili.

***

Sumakay kaming tatlo sa iisang sasakyan, at napili nilang gamitin ang car ni Miss Devyn papunta sa napag usapan nilang restaurant.

Dating gawi nasa harap ang mag kaibigan at ako ang nasa backseat.

"His back." narinig kong sambit ni Miss Devyn habang nag mamaneho

"Who?" tanong ni Miss Azura.

"Your ex, Bren."

Nanlaki ang mga mata ni Miss Azura na tila di makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.

"What?! Seriously?" sambit nito.

"Yeah, actually sya ang nag invite satin to have dinner at their new restaurant. He also invited Miss Amari, I think his up to something."

"Yeah you're right, hindi yun basta basta nang iimbita ng wala man lang special occasion." pag sang-ayon ni Miss Azura.

TH nanaman tong dalawang to. side comment ko sa aking isipan.

"You okay there?" tanong ni Miss Azura ng ibaling ang tingin sakin.

"Y-yes Missy." sagot ko dito saka ito nginitian.

"Missy?" ulit ni Miss Devyn.

"Ewan ko sa babaeng to kung ba't Missy ang tawag nya sakin." kibit balikat na sagot nito.

"Ang haba po kasi ng Miss Azura." sabat ko sa usapan ng dalawa.

"So anong tawag mo kay Devyn?"

"Miss Dev."

"Kay Miss Amari?" this time ay si Miss Devyn na ang nag tanong.

"M-Mari, Miss Mari." sagot ko. "Pero ang sabi nya kapag nasa labas lang naman kami ng campus." paliwanag ko ng mapansin ang pag kunot ng noo ng dalawa.

"Wow! Close na kayo ni Tita ahh." sarkastikong tugon ni Miss Azura.

"Syempre po, MABAIT kasi sya." sagot ko dito at nakakalokong ngumiti.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Where stories live. Discover now