THIRTY NINE

9.4K 419 155
                                    

Devyn's POV:

After umalis ni Azura, hindi na namin ginawa ang pinapagawa ni Miss Amari. Mas pinili ko nalang na inumin ang penalty drink kesa saktan pa lalo ang kaibigan ko.

Ang totoo nyan sinusubukan ko lang naman talaga s'ya kung totoo nga bang attracted lang sya kay Livvy, pero base sa mga nakikita ko she really like Livvy in denial lang talaga s'ya.

"Guys kayo muna, puntahan ko lang si Azura." paalam ni Miss Amari.

"Sige Tita Amari." sagot nina Lucius.

"Mukhang nakaidlip na rin ata si Livvy oh." saad ni Jake.

Awtomatiko akong napatingin sa tinutukoy nito. Nakapikit na nga ang mga mata ni Livvy habang naka sandal sa sofa na nasa likuran nito.

"Louise help me, alalayan mo kong ihatid sya sa kwarto nila." saad ko kay Louise.

"Tss. Weak! Kahit ako nalang bahala, kaya ko naman s'yang mag isa." pag mamayabang pa nito.

"Wag na baka kung anong kalokohan nanaman ang gawin mo kay Livvy." sabat ko dito.

"Sus! Takot ka lang eh." ganti nito.

"Shut up and just help me."

"Tulungan ko na kayo." Pag presenta ni Jake.

"Thank you so much Jake, you're a big help." sambit ko.

Sinubukan ko itong gisingin.

"Hey Liv..." gising ko dito habang tinatapik ang braso nito.

"Hmmm..." ungol nito at bahagyang nag mulat ng mata. "Nasan na tayo?" tanong nito.

"Tayo kana, ibabalik kana namin sa room mo." wika ko.

Sinubukan nitong tumayo pero mukhang tinamaan nga talaga ito ng alak dahil medyo nahihilo pa, natabig tuloy nito ang alak na nasa center table at nabuhos sa damit at shorts nya.

"Oh gosh, I'm sorry." pag hingi nito ng paumanhin habang sapo ang kanyang noo.

"It's okay, tulungan kitang tumayo. Humawak ka sakin..." sambit ko.

Kumapit ito sa kamay ko at hinawakan ko ito sa bewang para alalayang tumayo.

"Kaya mo bang mag lakad?" muli ay tanong ko.

"K-kaya naman medyo umiikot lang talaga paningin ko." sagot nito.

"Jake mukhang kaya naman namin, kami nalang ni Louise ang bahala."

"Okay sige." tugon nito.

Kinuha ko ang braso ni Livvy at ipinatong iyon sa balikat ko habang nakahawak pa rin ako sa bewang nito.

"Tara na Louise." aya ko rito.

Tumayo ito saka kinuha ang kabilang braso ni Livvy, para ilagay sa balikat nya.

Habang nag lalakad kami papunta sa kwarto nina Azura, nakaramdam ako ng hilo marahil na rin siguro sa dami ng whiskey na nainom ko.

"Hmmm... stop it." bigla ay ungol ni Livvy.

Huh?!

Agad akong napalingon dito.

"Stop what?" naguguluhan kong tanong.

"S-squeezing my b-butt." mahinang sambit nito.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito.

"Louise!" tawag ko dito.

"What? I can't help it, kanina ko pa pinang gigigilan eh. Sorry na..." sambit nito habang nakangisi.

"Ang bastos mo, nag ti take advantage ka sa lasing." sita ko dito.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Where stories live. Discover now