TWENTY NINE

9.2K 407 159
                                    

Livvy's POV:

"Hmmm... Just curious Dev, is it possible for you to fall in love with a girl?" Curious na tanong ni Ma'am Aira dito.

"Mom! Cut that out, that's too personal." sabat ni Miss Azura, saka nag baling ng tingin sakin.

Mabilis kong binawi ang tingin ko dito.

"It's okay Azura..." nakangiting tugon ni Miss Dev. "Actually Tita, I think I like someone... and that person is--"

"Dev! Hindi mo naman talaga kailangan sagutin ang mga tanong ni Mommy." putol nito sa sinasabi ni Miss Dev.

"Anak, napaka KJ mo baka gusto mong ikaw ang tanungin ko dyan. Sigurado akong ikakainis mo yun." Pang aasar dito ni Ma'am Aira.

Nakita ko kung paano ngitian ng nakakaloko ni Miss Dev si Miss Azura, at ang sama rin ng mga titig nito sa kaibigan.

May pinag talunan ba ang dalawang to? Alam ko nag sagutan sila pero maayos naman nilang natapos yung pag uusap nila. Di ko nga lang alam kung anong binulong ni Miss Dev dito.

"Sorry Tita sa behavior ng bff ko, sinabi ko kasi sa kanya na I kissed a girl and I liked it. Alam mo naman tong bff ko tita, may pagka HOMOPHOBIC minsan."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito.

Teka! Alam kong slow ako at ayoko rin mag assume pero, ako ba ang tinutukoy nya or maliban sa kin may iba pa syang hinalikan?!

"Really Dev?!" di makapaniwalang tanong ni Louise.

"Yep. You know Katy Perry's song right? Yung I kissed A girl... that's how I described it."

"Oh! So the answer is yes." nakangiting tugon ni Ma'am Aira.

"Are you okay with this kind of topic, Bren?" tanong ni Ma'am Zuri dito.

Tahimik lang kaso itong nakikinig sa mga nag uusap.

"Opo Tita, open minded po ako sa bagay na ganyan. Di po ako against sa Rainbow Family."

"Good." Nakangiting tugon ni Ma'am Zuri dito.

"Gosh Dev, curious ako... Sino kaya yun?!" parang kinikilig na tanong ni Louise.

"Not need to know." nakangiting sagot ni Miss Dev dito. "But... I'm still craving for her lips." dugtong nito.

Bigla akong napapitlag at nabitawan ang kutsarang hawak ko. Papano ba naman kasi bigla kong naramdaman ang palad ni Miss Dev na ipinatong nito sa right leg ko.

"S-sorry po." pag hingi ko ng paumanhin.

"Ayos ka lang ba Livvy?" tanong ni Ma'am Zuri sakin.

Naramdaman ko ang pag galaw ng kamay nito paakyat sa upper part ng binti ko. What the fuck?!!

"Hmmm...." biglang ungol ko.

Fudge!

Agad kong hinuli ang kamay ni Miss Dev, para pigilan ito sa pag galaw.

"O-opo Miss Dev, I mean Ma'am Zuri." sagot ko.

Ang sarap sabunutan ng sarili ko, masyado akong na distracted dahil sa ginawa ni Miss Dev sakin.

Tinignan ko ang gawi ni Miss Azura, parang di na maitimpla ang mukha nito.

"Manood tayo ng movie mamaya pagkatapos nating kumain, IKAW LIVVY... gusto mo bang manood?" Narinig kong tanong ni Miss Azura, na binigyang diin pa ang pangalan ko.

"Ayoko po, kayo nalang." sagot ko ng di ito tinitignan.

"Bakit naman may iba ka bang gagawin? Isa pa maaga pa naman para umuwi." pag pupumilit nito.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें