EIGHT

8.9K 423 117
                                    

Dedicated to:
gmarso2
_meimei015_

Livvy's POV:

Matinding pang aalila ang nararanasan ko sa araw na to, sa tanang buhay ko ngayon lang ako sobrang nag self pity. Paano ba naman kasi, nakasunod lang ako sa dalawang babaeng nasa harap ko at nag lalakad na akala mo ay rumarampa sa isang fashion show. Samantalang ako ay halos di mag kandaugaga sa mga dala-dala kong, shopping bags. Idagdag mo pa ang bigat ng mga school supplies, at mga libro na dala-dala ko. Di ko alam na mahilig pala silang mag basa.

Di halata...

Ramdam ko na ngayon ang sobrang pagod, gusto ko ng umuwi at humilata sa malambot na kama. Ang sakit na kasi ng katawan ko, lalo na sa parteng balikat at likuran ko. Maging ang paa ko ay pagod na rin sa kakalakad sa loob ng apat na oras. Oo inabot na kami ng alas sais ng gabi, pero hindi ko alam kung ano ang plano ng dalawang kasama ko. Gusto pa atang bilhin ang buong department store.

Nakaramdam na rin ako ng gutom, naalala kong hindi pa pala ako nakakapag lunch o kahit meryenda man lang. Kahit man lang sana pinakain muna ako bago pinag buhat ng mga to, edi sana may lakas pa ko hanggang ngayon.

"Tired already?" sambit ni Ma'am Azura ng makalapit ito sa pwesto ko.

At may gana ka pang mag tanong? Alam ko namang ito talaga ang gusto nyo. Lalong lalo kana, may pa warning warning ka pang nalalaman ikaw lang din pala ang mastermind.

"Hindi Ma'am... Okay na okay ako." Sarkastikong sagot ko.

"Good kasi marami pa kong planong bilhin." nakangisi nitong sagot.

"Hey Azura, I think we should eat first." narinig kong sabi ni Ma'am Devyn, na syang dahilan kung bat nabuhayan ako.

Yes Ma'am please... I'm really really hungry.

"Hmmm. Okay..." sagot ng bruhang anghel dito.

Tama bruhang anghel, paano ba naman kasi mala anghel ang mukha napaka gaspang naman ng ugali.

"Where should we eat?" Tanong ni Ma'am Azura.

Pasimple akong tinignan nito.

"Hey Annoying, where do you want to eat?" tanong nito sakin.

Parang tanga namang tinuro ko ang aking sarili, na obvious namang ako ang tinatanong nito.

"A-ako?"

"Malamang! Sayo lang naman ako naiirita." Poker face na sagot nito.

Di nakaligtas sa mata ko ang nakakainis na ngiti ni Ma'am Azura.

Madapa ka sana, bwesit tong bruhang anghel na to.

"Kayo pong bahala." sagot ko at pasimple itong nginitian.

"Ba't kasi kailangang sya pa ang mamili?" tanong ni Ma'am Azura sa kaibigan.

"Wala pa syang kain mag mula kanina." Poker face na sagot nito.

Ramdam ko ang pagiging concern nito kahit na di nya ipahalata. Di ko tuloy napigilan ang kumawalang ngiti sa mga labi ko ng maisip yun.

"Why are you smiling like an idiot?" inis na tanong ni Ma'am Azura.

Aba't inaano ko ba to? Di naman sya ang nginingitian ko. Kung makapag react naman...

"Bawal na po bang ngumiti ngayon Ma'am?" sarkastikong tanong ko.

Nakakabanas na kasi ee.

"May sinabi ba kong bawal?!" ganti nito at tinaasan pa ko ng kilay.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Where stories live. Discover now