NINETEEN

8.3K 407 107
                                    

Livvy's POV:

"Miss Azura, dahan-dahan naman po." Pakiusap ko dito.

Di ito umiimik at patuloy lang sa pag kaladkad sakin palabas ng bar.

"Miss Azura ano ba!" Inis na sabi ko at marahas na binawi ang kamay ko dito.

Ngunit mabilis ulit nitong hinawakan ang kamay ko, binuksan ang kanyang kotse at sapilitan akong ipinapasok sa loob.

"So ikaw pa yung galit ngayon!?" asik nito sakin ng makapasok ito sa driver's seat.

"Bakit? Kayo po ba ang dapat magalit?" sagot ko at sinalubong ang mga titig nito.

Bahagya itong natigilan base sa reaksyon nito, pero agad rin namang binalik ang galit nitong mga mata.

"At bakit hindi? Pinsan ko yun and for pete's sake, she's damn straight!"

"Miss Azura, para namang sinasabi mo sakin ngayon na ako ang nag initiate ng kiss." Sagot ko dito.

"Bakit hindi ba? S-she wouldn't crave for that damn lips of yours kung di mo s'ya inakit that day." giit nito.

"Inakit? Wala akong alam sa mga pinag sasabi mo Miss Azura." Seryosong sagot ko.

"Oh come on! Siguro ang galing mo sa bagay na yan, tell me papano mo ba ginagawa? Para naman alam ko kung paano iwasan? Baka isang araw magising nalang akong gusto na rin kitang halikan." Panunudyo nito.

Naikuyom ko ang sarili kong mga kamao, matapos marinig ang mga sinabi nito.

"Miss Azura... Hindi ko alam at di ko maintindihan kung bakit laging ako ang sinisisi mo sa mga bagay na hindi ko naman ginusto." halos bulong na sagot ko, pakiramdam ko kasi ay naiiyak na ko dahil sa inis at sama ng loob.

Yumuko ako para pagtakpan ang mga luhang nag babadyang tumakas mula sa mga mata ko, at walang paalam na lumabas sa kotse nito.

Nakakainis rin kasi, kanina okay naman kaming dalawa tapos ngayon naman galit na galit sya sakin. Hindi ko talaga maintindihan kung anong tumatakbo sa isip nya.

Narinig ko ang pag tawag nito sakin pero di ko na ito pinakinggan, at tuloy tuloy lang sa pag lalakad hanggang makalayo dito. Ng may nakita akong taxi na ay agad ko itong pinara.

Gusto ko nalang umuwi at mag pahinga, hindi ko naman talaga gustong pumunta dito sa simula palang.

*****

Maaga akong nagising at nag handa ng almusal para sa dalawa, plano ko rin kasi pumasok sa school ng maaga. Dahil kasi sa nangyari kagabi, ay di ako makapag review ng maayos may gaganapin pa naman kaming long quiz mamaya kay Miss Amari. Dapat makakuha ako ng mataas na score since major subject namin sya.

Nang makarating ako sa school, agad akong dumiretsyo sa library para mag review at gawin na rin ang mga assignments para sa afternoon class.

Habang nag babasa biglang sumasagi sa isip ko ang mukha ni Miss Azura.

Sa inis ko ay ginulo ko ang sarili kong buhok dahil di nanaman ako makapag concentrate.

Nakakainis!

"Hoy Livvy! Para kang baliw dyan." biglang sulpot ni Jayne habang may dala dalang mga libro sa kamay nito.

"Nakakainis kasi ayaw pumasok sa utak ko yung mga nirereview ko."

"Baka naman kasi may gumugulo sa isip mo, kaya di ka makapag focus." sagot nito at umupo sa tabi ko.

Meron nga.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka inihilig ang aking ulo sa balikat ni Jayne.

"Aww... Stress na ata si Livvy Javier." sambit nito at ginulo ang aking buhok.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Where stories live. Discover now