FIFTY SIX

10.6K 421 125
                                    

Azura's POV:

"Of course silly! Wag ka naman masyadong mamangha sa ganda ko..." pagmamayabang ng bruhang si Kai.

"A-anong kalokohan ba to?" parang natutuwa pang tanong ni Livvy.

"Dense ka girl! Di ba obvious nililigawan ka n'ya bakla!" singit naman ni Jayne na mas lalong nag painit ng ulo ko.

"Yeah she's right, so anong sagot mo? Is it Yes or Oo?" muling tanong ni Kai.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Livvy, dahil baka mag karon pa ng round 2 ang away namin ni Kai kapag pinakinggan ko pa ang anumang isasagot nito.

Akmang tatalikod na ako ng bigla akong mabangga ng aanga-angang babae na ngayon ay napaupo sa lupa dahil sa pag kaka out balance nito.

Tsss. S'ya na nga ang nakabangga sya pa ang na out balance, lampa rin ang isang to. reklamo ko sa sarili.

"Stupid bitch!" asik ko sa babae, saka ito nilampasan.

"Hey! Where are you going?" tanong ni Devyn habang nakasunod sa'kin.

"You'll see." tugon ko.

Ipapamukha ko sa Kai na yan na akin lang si Livvy!

Mabigat ang paa na nag patuloy ako sa pag lalakad, hanggang sa makaabot ako sa lugar na gusto kong puntahan. Di kalayuan sa cafeteria na pinanggalingan namin...

Livvy's POV:

Nandito pa rin kami sa harap ng cafeteria at hindi pa rin umaalis ang iilan sa mga istudyante. Mukhang nag hihintay rin sila ng isasagot ko, mukhang napaniwala ata ni Kai at Jayne ang mga marites na to.

"So anong sagot mo? There waiting..." tukoy ni Kai sa iilang istudyante.

Bago pa man ako makasagot mabilis akong inakbayan ni Jayne at may kung anong binulong na tanging ako lang ang nakakarinig.

"Ayusin mo ang sagot mo, dapat kapanipaniwala may mga kumukuha kasi ng video kung di mo napapansin." bulong nito.

Awtomatiko kong inilibot ang paningin ko, mukhang di nga s'ya nag kakamali.

Hightech na talaga mga tsismosa ngayon, daig pa reporter.

"Miss Livvy! Sagutin mo na kaya masyado na kaming nag aabang sa sagot mo eh." saad ng isang babae na tila kinikilig pa.

"Oo nga Miss Livvy..." sabat naman ng isa pang babae na nasa malapit ko.

"Ahh a-ano kasi--"

Di ko na natuloy ang anumang sasabihin ko ng biglang nag ingay ang SIP Speaker ng campus, na ginagamit lalo na kapag may important announcements sa school.

Lagot dahil ba to sa ginawa naming eksena ngayon?!

Kinakabahan kong bulong sa isipan.

"GREETINGS EVERYONE!" pag uumpisa ng nag sasalita sa announcement room.

Di ko maintindihan ang sarili bigla nalang kasing bumilis ang tibok ng puso ko.

Grabe kana self ah, ka boses lang ni Azura nag kakaganyan ka na. sita ko sa sarili.

"By the way I'm Azura Pineda..." dugtong nito na ikinalaki ng mata ko, and I bet ganun rin ang dalawa kong kasama.

"I just want to let you guys know that I'm Livvy Javier's girlfriend, so who ever that bitch na gustong ligawan ang girlfriend ko... BACK OFF! IF YOU DON'T WANT YOUR LIFE TO BE MISERABLE! And for you Livvy Javier try to cheat on me, puputulin ko ang dapat putulin kapag nag loko ka!"

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Onde histórias criam vida. Descubra agora