Chapter 6: The abno squad

23 4 0
                                    

Erza's POV

Sheteng malupet, kinikilig ako. Para di ako makahinga shit. Lalo na nung bigla syang ngumiti tapos mahina pang natawa.  kyahh damn those tantalizing deep dark chocolatey brown eyes, makaglag panty. Kung di lang talaga ako cold at introvert malamang kanina pa ako nagtitili. halos mangisay sa kilig na saad ko sa isipan. Hindi ko naman kasi pwedeng ipagsigawan eh kasi baka masabihan na naman ako na baliw ng dragon sa may gate.

Okay okay enough na self nababaliw kana naman. pagpapakalma ko sa sarili pagkatapos ay huminga ng malalim.

"Hoy babae okay ka lang? Kanina kapa ngiting-ngiti dyan kulang na lang maglupasay ka" untag sakin ni Zein

Ay punyeta may mga walanghiya pala sa paligid ko, joke lang lablab ko tong dugo na to eh.

"Problema mo dugo" asik ko sa kanya.

"Hoy wag mo akong matawag-tawag na dugo dyan buwan ha" sinamaan nya ako ng tingin, at kung nakamamatay lang yung tingin ni dugo este ni Xynara Zein Blood slash dugo malamang tigok na ako. Since likas na matigas ulo ko, sinamaan ko din sya ng tingin, akala mo ikaw lang marunong ha.

Naputol ang samaan ng tingin namin ni dugo ng biglang sumulpot na parang kabute yung kaibigan naming si Singkit, si Vendrix Kim, kasama si Ulap na langit na ewan basta si Alister Sky Porter at si anak ng kahoy, charot si Yannah Woodson pala.

"Hoy hoy anong clash of sore eyes yan?" tanong ni Singkit. Binatukan naman sya ni Ulap

"Ang bobo mo naman Singkit, clash of eye sore kasi yun, kita mo na sa liit ng mata di na nabasa kung ano tawag dun sa samaan nila ng tingin" sabat naman ni Ulap na Langit. Luhh ang bobo din neto eh binaliktad lang.

"Tanga mo talaga Ulap, tama kaya yun, sore eyes kasi sakit yun sa mata nila kakatitig ng masama" singhal naman ni Singkit. Teka tama nga naman si Singkit eh. Minsan talaga gumagana yung utak nya.

"Di nga, eye sore kasi yun eye sore, kabobo netong Singkit. Nabuang na talaga" sigaw naman ni Ulap. Ay ampota bahala na kayo dyan. Natigil lang sila kakasigaw ng binatukan sila si anak ng kahoy.

"PROBLEMA MONG ANAK NG KAHOY KA"

"PROBLEMA MONG ANAK NG KAHOY KA"  sabay na singhal ni Singkit at Ulap. Sinamaan lang sila ng tingin ni Woodson

"Psh, mga bobo talaga you, did you know?. It's clash of sight kasi. Mga bobo you talagang mga abnormals why make it mahirap when you  can sabi it in tagalog naman eh. It was just simpleng samaan ng tingin then you make it komplikado tss really abno talaga, or you can tawag it staring contest duhh. You are just parehong boplaks" singhal sa kanila ni anak ng kahoy na hirap din kaming intindihin sa ka-alien-an este ka- conyo-han nya kaya ayun nakatikim si Woodson ng mag jowang batok haha.

Pero sa totoo lang naguguluhan ako sa kanila eh. Bobo mo talaga self, di ko maintindihan yung pinag aawayan nila eh.

"Tapos na kayo magbangayan diyan mga abno?" tanong ni dugo dun sa tatlo. Natigil naman sila at yung mukha nila parang yung matatae, eh kasi kahit ang liit ni dugo eh, nakakatakot sya galitin. Ang lamig din kasi ng boses ni dugo eh, parang yelo sa loob ng refrigerator ng lola ko sa talampakan. Hehe charot wala palang ref sina lola.

"Hehe okay na kami dugo" napakamot nalang sila Singkit at Ulap, samantalang si anak ng kahoy tahimik lang while playing with her hair.

"Pfffftttt" pagpipigil  ko ng tawa kasi naman iyong mga mukha nila parang ano, parang matatae. Sinamaan naman nila ako ng tingin. Si dugo naman poker face lang, pero alam ko kauti na lang sasakalin na ako niyan. 

"You labas labas your tawa buwan lasi you know baka mautot pa you duhh" si Woodson ang nagsalita iyong maiintindihan mo talaga, tandaan mo yung sarkasmo ha, in english Remember that sarcasm, with matching paikot ng mata. Ngee matuluyan ka sana, di na bumalik sa dating pwesto mata mong babaita ka.

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Where stories live. Discover now