Chapter 20: vampires and witches

11 3 0
                                    

Erza

May mali ba doon sa ginawa ko? Parang wala naman ah? Bakit ba sila tumatawa? Mukha ba aking clown? Wahhh ang sama nilang lahat, di ko sila bati huhu.  Maya-maya pa ay nawala na ang mga apoy na nakapalibot sa akin. Samantalang sina Eros at Drake ay natatawa pa din hanggang ngayon, pero ako eto masama ang loob kasi bakit nagkaganoon? Pinag-isipan ko pa naman iyon. Nagsayang kaya ako ng utak para doon.

Napanguso na lang ako. Hindi ko talaga sila bati. At saka bakit hindi gumana? Kalma Erza, huwag kang iiyak, okay Erza? Wag kang iiyak.

Nang mapansin nila ako ay saka lang sila tumigil sa pagtawa at tiningnan ako. Seryong seryoso naman na nakatingin sa akin si Abuela pero hindi nun naikubli ang munting pag-iiling iling nya. Sina Eros at Drake naman ay tumgil na sa kakatawa pero pansin ko pa din na nakangisi sila pag hindi ako makatingin. Tss, may mali ba dun sa ginawa ko?

"Apo halika muna" mahinahong tawag sa akin ni abuela. Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan nya at naupo sa kanyang tabi.

"Bakit po abuela?" I asked softly. 

"Seryoso ka ba dun sa enchantment mo? Para kasing mali eh" seryosong saad nya pero may bahid pa din ng panunukso. Napanguso na lamang ako at hindi na sumagot pa. Hindi ko din alam eh, basta yun lang yung pumasok sa isip ko habang pinipiga ko yung utak ko. Masyado akong na pre-occupied ng totoong kwento tungkol sa forbidden thingy ng mga bampira at witches. Like paano ba talaga nagkaroon ng ganung bagay sa pagitan ng dalawang angkan.

"Pasensya na po abuela. Hindi ko din po alam kung bakit ganun eh. Basta bigla ko na lang 'yon binigkas, kung ano yung nasa isip ko ng mga sandaling iyon ay sinambit ko lang" nakanguso pa ding sagot ko. Napabuntong-hininga lamang si abuela sa sinabi ko, tila ba ay sumusuko na sya.

"Gusto mo ba talagang malaman ang kwento sa likod ng hidwaan ng mga bampira at witches na kagaya natin?"

Tumango naman ako ng marahan sa tinuran ni abuela. That's it, kailangan ko talagang malaman ang kwento sa likod non kasi hindi ako makaka-focus sa rite of passage hangga't hindi ko nalalaman.

"Segi iku-kwento ko sa iyo"

Napahagikgik ako sa pumasok sa isipan ko. Anong kabalbalan ba iyon? Hindi naman siguro ganoon ang pagtawag sa kapangyarihang nasa loob ko eh. I just need to call it with my heart. Muli akong sumulyap kay abuela na handa nang magkwento.

Huminga ng malalim si abuela habang nakatingin sa kawalan na tila ba sinasariwa ang mga nagdaang panahon.

Third person POV

Early 17th century, back when vampires and witches or wizards have not yet clashed. Back when the world of magic is still in peace with the Claveria Clan, the most powerful clan of vampires in Asia, they are neither a friend, nor a foe.

Sa mundo ng mahika, sina Luciana at Lilliana ang dalawang pinakamakapangyarihang salamangkero. Sila rin ang pinagpipilian ng mga nakatatanda na italaga upang maging pinuno ng angkan ng mga salamangkero at pangalagaan ang mundo ng mahika. Silang dalawa ay pawang maalam at may kakayahang magmanipula ng mga makapangyarihang salamangka, kasama na roon ang mga itim na salamangka na nailimbag sa mga lumang aklat ng mahika.

Ang itim na salamangka na kapwa nila natutunan mula sa mga aklat ng mahika na kadalasan ay tinawag na lost magic o mga mahikang binura na sa kasaysayan. Ang mahikang ito ay tinawag din na black magic dahil na rin sa dala nitong panganib sa caster. Ang mahikang may taglay na napakalakas na kapangyarihan na magagawang manipulahin lamang ng mga malalakas na salamangkero, subalit ang ganoon kalakas na kapangyarihan ay panigurado ding nakakapaminsala lalo na kung mapupunta at gagamitin ito sa kasamaan. Ang hindi nila alam, kasabay ng pagkatuklas, pagtawag at paggamit nila ng lost magic at black magic ay may kakambal itong sumpa. Ang sumpa ng kadiliman, liwanag, at kapangyarihan sa pagitan ng liwanag at dilim.

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Where stories live. Discover now