Chapter 13: Unboxing the mystery

11 2 0
                                    

Erza

"Bampira ako" napatitig ako sa kanya kasi masyadong seryoso ang pagkakasabi nya. Teka teka tama ba talaga yung pandinig ko? Bampira as in vampire, yung gaya kay Edward Cullen sa Twighlight Saga? Akala ko si Harry Potter yung idol nya pero mali pala ako, kalahi pala ni Dracula ang nais.

"Wehh? Sure yan? Legit? Talaga? Walang halong biro? Peksman mamatay man?" pag-uusisa ko sa kanya hihi naninigurado lang baka kasi binibiro nya lang ako. Natawa naman sya sa inasta ko na dahilan para halos magwala ang internal organs ko. Mas gwapo pala siya kapag tumawa.

"Yeah" he replied earnestly, teka ano yung earnestly? Pangalan ba yung ng birds nest? Teka matanong ko nga mamaya kay birdie the bird.

"Okay" sagot ko naman. Pero totoo? Bampira talaga sya? Wahh ang astig. May powers-powers kaya sya gaya nung sa Twighlight na movie?

Napatitig naman sya sakin na para bang hindi makapaniwala sa inasta ko. Luhh problema mo krass?

"What hindi ka man lang matatakot? Di ka man lang mag-f-freak-out? No violent reaction? Ganun?"

Napapantastikuhan naman ako sa kanya.

"Huh? Eh bakit nga ba ako matatakot? Eh ano naman kung bampira ka? Di mo naman siguro ako dinala dito sa kwarto mo para gawing hapunan no? Pero teka ano nga ulit sabi mo? Freak-out? Paano ba kasi 'yon? At saka violent reaction? Bakit naman ako magiging bayolente? Alam mo ewan ko talaga sa 'yo"

"Hahahha you're hilarious Erza, you think way too far from what I've expected" tawa pa niya. Saan banda ang nakakatuwa doon? Ay bahala sya dyan. Di ko sya ma gets. Tapos may expect, expected pa daw. 

"You really think of something beyond someone's imagination" dagdag pa nya na mas lalong nagpadugo ng utak ko. Anong beyond imagination? Sino ba kasi yan si Beyond? Kapatid ba yan ni Beyonce? Bakit naman iimaginin yan ni Beyond?

Nang makita nya ang mukha kong naguguluhan ay mas lalo syang natawa, maya maya pa ay huminahon sya nang makita ang mukha kong nakabusangot.

"Hey Erza,  wag ka sanang magalit sa sinabi ko ha, haha natawa lang ako sa reaksyon mo. Ibang klase ka kasi kung mag-isip haha" natatawang sabi nya. Ngayon naman ginawa na akong clown. Mukha ba akong clown? Alam ko naman na di ako kagandahan, pero hindi din naman siguro ako kapangitan no?

"Ewan ko sa'yo" nakangusong saad ko at saka umiwas ng tingin.

"Haha sorry na nga. Pero seryoso hindi ka talaga natatakot sa akin? Kasi di ba sabi ko sayo na bampira ako" tanong pa niya ulit.

"Hindi. Kanina nga nung niligtas mo ako, alam ko na may kakaiba sayo. Gusto ng utak ko na matakot pero masyadong palagay yung puso ko kaya hindi na ako natakot" sagot ko ng may ngiti sa mga labi. Napangiti naman sya sa sinabi ko na para bang nagustuhan ang narinig.

"Thank you" sinserong saad ni Eros habang nakangiti.

Iyong ngiting nakakatunaw, nakakalaglag panty. Wahh bat ang gwapo mo crush? Pa-kiss nga! Napatakip naman ako sa bibig nang dahil sa naisip. Hala ka Erza saan mo napulot ang ganung bagay? Huhu kasalanan to ng mga kaibigan Kong abnormal eh.

EROS POV

"Thank you" I sincerely said with a smile. Natutuwa ako sa kanya, I thought she would react violently like people usually do, hmm I must have forgotten that she thinks differently. Kakaiba nga pala mag isip ang babaeng mahal ko. Her imagination is beyond someone else's expectations.

'Wahh  bat ang gwapo mo crush? Pa-kiss nga! basa ko sa nasa isip nya. Natatawa ako sa cuteness nya, she's different, one of a kind. Nang makita kong medyo namula sya at napatakip pa ng bibig when she got to realize what she had been thinking, doon ako mas lalong naaliw.

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Where stories live. Discover now