Chapter 19: Her responsibility

11 3 0
                                    

Erza

Sa aking pagpapahinga ay dinig ko ang huni ng mga ibon, at iba pang mga hayop sa kagubatan, maamo man o mababangis. Ang bawat pagpatak ng mga dahong nahuhulog mula sa puno, ang pagaspas ng hangin at ang paghinga ng mga nilalang na malapit ay naririnig ko.

Ngayon ko lang napagtanto na ang dating inakala kong isa lamang masamang panaginip ay isa palang alaala mula sa aking nakaraan. That happened centuries ago, at ang weird lang na ang conyo ko pala dati haha. Kaya lang pakiramdam ko biglang nagbago ang lahat, sino ba naman kasi ang mag-aakala ang isang bobita na kagaya ko ay isa palang enchantress, spell caster, witch, mangkukulam at kung ano pang term nila sa mga kagaya ko. But for me I prefer calling myself a mage or a wizard, but I will also be the enchantress of our kind. Hindi ko inakala na ang isang panaginip na iyon ay ang susi pala upang mahanap ko ang tunay kong pagkatao. Pero ang ipinagtataka ko ay sino nga ba si Nay Russiana? Siguro sya yung nanay ko?  Pero sino naman yung dalawang witch na nasa anyo ng kalahating tao at kalahating ahas? Alam nga ulit yung tawag sa kanila? Lamia? Sa ibang diyalekto, ang tawag sa kanila ay marinaga. Ah basta ganoon, mga kalahating tao at kalahating ahas ang anyo.
Hindi pa sya masyadong malinaw sa akin ang mga mukha nila pero malakas ang pakiramdam ko na kilala ko sila, malapit lang sila sa akin.

Si Eros? Hindi ko talaga naisip dati na kilala ko sya. Oo pakiramdam ko nagkita na kami dati kahit alam kong hindi pa naman, pero iyong nasa panaginip ko ang malinaw na ebidensyang minsan ng nagtapo ang aming landas, sa ibang panahon nga lang at sa ibang katauhan ko. Pero wait? Ang tanda na pala ni Eros kung ganun. Ilang taon na kaya sya? Nasa 300 na kaya? Or malapit na mag 500? Buti na lang pala imortal sya kaya ang bata nya pa din tingnan, para parin syang nasa 20's.

Napahagikgik naman ako sa naisip. Buti na lang mahal ko pa rin sya kahit matanda na sya.

Ang aking pamamahinga at pagmumuni-muni habang nakapikit at dinadama ang ihip ng hangin ay naputol nang may naramdaman akong malakas na pwersa na nagmumula sa kung saan. Napakapamilyar ng kanyang presensya. Malakas ang kabog ng aking dibdib habang ang mga mata ko'y dilat na dilat, nakatingin sa kawalan. Ang nararamdaman kong malakas na pwersa at kapangyarihan ay mas lalong sumisidhi, papalapit ng papalapit, napakabilis nito na tila ba galaw ng isang bampira. Nakapagtataka lang na hindi naman ito si Eros o di kaya ay si Drake. Malapit na sya, ay mali sila. Isang bampira at isang nilalang na makapangyarihan. Ang bampira ay si Drake subalit hindi ko matukoy kung sino ang isa pa. Naramdaman kong lumapit sa akin si Eros.

"They're here" he whispered.

Agad naman akong umayos ng tindig at inabangan ang paparating. Maya maya pa ay kita ko na si Drake at ang isang nilalang na sigurado akong sa kanya nanggagaling ang napakalas na enerhiya.

Ang enerhiyang pamilyar sa akin kahit alam kong hindi ko pa naman naramdaman sa buong buhay ko. Siguro konektado sya sa past life ko. 

Hindi nagtagal ay nasa harapan na namin sina Drake at ang isang matandang babae na ang puting buhok ay lampas talampakan sa haba. Ang ganda nya pa din kahit pa kita na yung wrinkles nya kaunti, halatang napakaganda nya sa kanyang kabataan, though bata pa rin naman siyang tingnan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, para akong nahihipnotismo habang nakatitig sa kanyang nga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili basta namalayan ko na lang na niyakap ko ang matandang babae ng kay higpit na tila ba kaytagal ko s'yang hindi nakita, na para bang sobrang namiss ko sya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko, basta narinig ko na lang ang sarili kong sinambit ang isang kataga.

"Abuela"

Niyakap nya ako pabalik. Ang init sa pakiramdam, yung puso ko parang tinutunaw sa init, parang hinahaplos yung puso ko sa yakap nya. Hindi ko mapigilan ang mga luha kong tumulo mula sa aking mga mata. Lalo na ng unti-unting bumabalik sa aking isipan ang mga alaala ng aking buhay sa nakaraan kasama ang aking abuela, pakiramdam ko ay tinutusok-tusok ng milyon-milyong mga karayom ang puso ko sa katotohanang kay tagal kong naway sa kanya, ang tagal ng panahon na sya lang mag-isa. Malinaw na sa akin ang pagkatao nya, sya ang aking Lola, ang aking abuela, ang sinaunang enchantress na si Lilliana, ina ni Nay Russiana- ang aking ina.

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon