Chapter 17: the enchantress

17 2 0
                                    

Third person POV

The night was dark, the thick fog surrounds the whole area, the moon is barely seen as well as the stars in the skies. Masyadong mapanganib ang paligid lalo na pag gabi pero tila ay balewala lamang ito para kay Erza. She is out to seek answers, na alam naman nyang hindi sasabihin ng dalawang bampirang kasama. Maya-maya pa ay umihip ng malakas ang hangin kasabay ng pag-alulong ng aso.

"Wahhh, katakot naman. Bakit nga uli ako lumabas?" tanong nya sa sarili.

"Ayy oo nga pala, para maghanap ng kahit na anong kasagutan sa lahat" dagdag nya pa habang tumatango tango na tila ba ay kinakausap ang kanyang sarili.

Umalulong ulit ang aso kaya mas lalo syang natakot at niyakap ang sarili.

"Huhu, kasi naman eh. Bakit ba kasi nagsi-sekreto yung dalawang bampirang yun? Yan tuloy" paninisi pa nya sa dalawang bampira na ang tinutukoy ay sina Zeke Eros at Drake.

Patuloy lang sya sa paglalakad kahit pa gusto na nyang tumakbo sa takot. Nanginginig pa sya at mangiyak-ngiyak na, pero kailangan na kailangan nyang magtapang-tapangan at pilit na pinipigilan ang mga luha na huwag tumulo para sa kasagutan ng mga kababalaghang gumugulo sa isip nya. Alam nya sa sarili na hinding hindi sya matatahimik hanggat hindi nya nalalaman ang buong katotohanan sa likod ng mga kaganapan sa University lalong lalo na sa biglaang pagkawalang ng malay hanggang sa bawian ng buhay ang mga estudyante at lalong lalo na sa isang hindi kapani-paniwalang rebelasyon noong nakaraang araw. She is somehow convinced that those two creature that they had seen the last time was definitely her friends Xynara Zein Blood and Yannah Woodson. O mas tama sabihing, mga kaibigan nga ba nya ang dalawang iyon? O mga kaaway? Hindi na nya alam. Did they just befriended with her for some reason? Are they really friends? O baka naman hindi talaga kaibigan ang turing sa kanya ng dalawa? Hindi na nya alam ang sagot sa mga katanungan iyon. Ang hindi nya lang maintindihan ay kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na iyon, sa kung anong dahilan ba nila nagagawa ang mga iyon. Alam nyang may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ang bawat naganap na, at iyon ang tutuklasin nya dahil alam nyang hindi iyon sasabihin ng dalawang kasamang bampira. Maaaring pinoprotektahan lang sya ng dalawang iyon pero kailangan nyang malaman kahit pa ikasasakit iyon ng damdamin nya.

Maya maya pa ay mas lalong dumilim ang paligid na naghatid ng hilakbot sa kanya.

Sa kabilang banda ay napansin ni Eros na wala sa kanyang silid si Erza. Hinanap nya ang babae gamit ang amoy at pandinig subalit hindi nya ito masagap. Even her scent can't be detected as if some strong forces sorrounding her. Parang may kung anong pwersa na pilit s'yang ikinukubli sa kahit na sino man ang maghahanap sa kanya.

"Wala pa rin ba?" Drake asked worriedly. He was worried for Erza's safety kasi alam n'yang ikababaliw na naman ng kaibigan nya pag nawalang muli ang babaeng ilang daang taon nyang hinintay.

Eros just sighed and Drake already understood na wala talaga.

"Maski bakas ng amoy nya ay hindi ko masagap, something is preventing me to find even a frail of her scent" maski si Drake ay ganun din. Hindi nya magawang sagapin ang isip ni Erza, subalit ang ikinabahala nya ay maging ang kaibigan nya ay hindi rin magawang hanapin ito. Eros is much more powerful than he was, pero maski ito ay wala rin. Hindi nila alam kung saan nila ito hahanapin.

"No we can't just stay here, hahanapin natin sya sa kahit saan sulok. I can't lose her one more time" Eros exclaimed and frustration is evident in his voice. Frustration and desperation.

Drake just nodded and immediately followed his friend to find Erza.

Madilim ang paligid, napapalibutan sya ng hamog at napuno ang puso nya ng takot na halos maiyak na sya. Maya-maya pa ay may mga nilalang na bigla na lamang sumulpot sa harapan nya. Mga nilalang na alam nyang hindi tao, may talukbong na itim sa ulo at napapalibutan ng usok. Lahat ay humahakbang patungo sa kinaroroonan nya. Gustong sumigaw at tumakbo ni Erza sa takot sa mga nilalang na nasa harapan nya ay hindi nya magawang maihakbang man lamang ang mga paang nanginginig sa sobrang takot na nadarama. Ni hindi nya magawang magsalita at pumikit na lamang habang hinihintay ang hakbang na gagawin ng mga nakatalukbong na nilalang.

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon