Chapter 11: Unforseen disaster

12 2 0
                                    

Erza

Maaga pa lamang ay nasa campus na ako papunta na rin sa mismong department building namin. Pagkatapos ng gabing iyon kung kailan naganap ang CAS acquaintance party namin ay balik ulit sa usaping academic. Kasi naalala ko na may exam daw kami kaya inagahan ko na ang pagpasok kasi kung hindi puro sermon na naman ang aabutin ko sa apat na mga abnong kaibigan ko.

Pagpakarating na pagkarating ko mismo sa labas ng CAS building ay natanawan ko kaagad ang mga buang, nasa gilid sila ng lab room na magiging exam room daw namin. Ewan ko ba, paano kaya nila yun gagawin? Paano magiging exam room iyong lab room namin? Ano yun magic? Ay basta hayaan ko na sila nakakawala ng utak eh.

"Good morning singkit, good morning himpapawid, good morning anak ng kahoy at good korning sa'yo dugo" masayang bati ko sa kanila isa-isa.

"Good morning din bata" si singkit slash Vendrix

"Morning buwan" si himpapawid slash Alister Sky naman

"Magandang morning Moon" sumunod ay si anak ng kahoy slash Yannah

"Hmm" and lastly si dugo or Xynara Zein

Sabay nilang sagot sa pagbati ko hehe ang kyot.

"Tara na" aya ko sa kanila kahit ang totoo wala naman akong interes na mag study kasi naman nakakapagod eh, nakakabobo masyado, dadagdagan pa ng study kunwari.

Agad naman silang tumalima at umakyat na ng second floor ng CAS laboratory building. Kapagod din na umakyat ng hagdanan pero wala naman kaming choice eh, hindi naman kami Chemistry students, or physics at lalong hindi naman chemistry ang subject namin ngayon para doonn kami sa first floor. Kaya segi na nga tiis-tiis lang. Pagkarating namin ay agad kaming naghanap ng bakanteng space para makapag-aral. May mga upuan at lamesa din kasi na nilagay sa labas ng mga lab rooms para sa one on one lab exam, at para na din sa display area ng ibang lab submitted project na species like yung jellyfish, starfish, mga echinoderms, leeches na kagaya nung mga bwesit na papansin na kung makakapit kay crush ay halos wala ng space, akala mo naka-glue. Mayroon ding mga sponges, iyong kalahi ni spongebob pati na rin mga kalahi ni patrick nandoon din naka-display. Pati kalahi ni Nemo present din, naka preserve sya gamit yung formalin, yung ginagamit para sa mga  patay, ganun. Basta marami rami ring mga preserved species doon na magagamit namin for laboratory sample at pang specimen sa mga lab exam.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at napagtanto ko na buong first year pala ang mag-te-take ng exam ngayon kasi nakikita ko ang classmate namin sa block pero ibang lab class, pati na din yung taga block A at block C, yung block nila crush.

"Hoy buwan, wag kang kiligin dyan halata ka na masyado, para kang yung earthworm na binuhusan ng alcohol. Naalala mo yung sa laboratory class natin? Yung earthworm na na-dissect natin? Para kang ganun, nangingisay" saway sa akin ni Himpapawid. Ampota kahit kelan talaga panira sila ng moment eh no. Inirapan ko na lamang sya at nagbuklat ng notes ko para kunwari mag-study pero sa totoo lang babasahin ko lang naman ay mali tiningnan ko lang naman iyong mga nakasulat, kunwari pina-familiarize ganun.

Katabi ko si dugo sa upuang pahaba tapos sa tabi nya naman sina himpapawid, anak ng kahoy, at Singkit, tapos may taga ibang section na kasama namin sa upuan, uhm sa table pala. Mga taga section nila crush yung ka-table namin, nagtatanong sila kung sino daw prof namin tapos syempre dahil dakilang walang pakialam ako hindi ko sila pinansin, sina anak ng kahoy, himpapawid, singkit at dugo lang yung nagsalita, in short ako lang yung walang imik sa aming magbabarkada. Good thing wala akong kaharap sa mesa kung hindi baka mailang ako pag kinausap din ako, hindi pa naman ako komportable na makipag-usap sa mga taong hindi ko kilala. Ang tahimik ng mundo ko sa loob ng isang oras, kunwari may sarili akong mundo. Pero biglang may taong umupo sa tapat ko na isang lalaki tapos pakiramdam ko nakatitig sa akin, nang tingnan ko ito ay halos malaglag ako sa upuan ng makita na si Eros pala yun. Si crush yung umupo sa tapat ko, busy sya sa pakikipag-usap sa mga kaklase nya kaya napatitig ako sa kanya

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Where stories live. Discover now