Chapter 3: Unknown connection?

38 7 0
                                    

Erza

Pagkapasok ni ma'am sa room agad naman silang natahimik, eh pano ba hindi tatahimik kung tingin pa lang para kanang lalamunin, in short mukha palang terror na. Hindi na siguro nakakagulat ang ganoon sa college, mayroon pa ngang iba na ang amo ng mukha pero mahihirapan kang makakuha ng mataas na marka.

"So this is Bsbio1bx" sabi ni ma'am habang nakataas ang kilay.

"Yes ma'am" sabay-sabay na sagot naman ng mga kaklase ko.

"Okay, so I am Hannah Grayson your laboratory instructor for your major subject Botany, since we don't know each other yet, let's introduce ourselves from your seats"

Dapat pala hindi na ako pumasok introduce yourself naman pala yung first day eh.

"Hi guys, I'm Ashley Blaire Griffin, 19 years old, just call me Ashley or Blaire. I hope we can be good friends, thank you" magiliw na saad noong Blaire.

"Ashrain Blue Griffin, Ashley's twin" iyong lalaking katabi nya na kambal daw nya.

Ang cute niya halata naman na kambal sila pareho yung mata nila, ayy mali magkamukha talaga sila. Parang kinopya lang, ang pinagkaiba lang nila eh mas nakadepina iyong panga ni Ashrain tapos mas maliit naman yung ilong ni Blaire.

"Xyra Yuri Raven, 18 you can call me Xyra" nakapaskil ang isang ngiti sa labi na pagpapakilala nya.

Ang cute nya, para syang Japanese..

"Zarnaih Xell Smith 19, call me Xell (pronounce as cell)" sya naman medyo maangas ang dating pero mukhang bitch hihi

"Zypher Frost, 19 zy for short" malamig na saad niya.

Ay attitude ka kowya, malamig pa parang yung surname nya malamig. Malamig din kaya yung ano nya? Yung ano? Yung dugo nya? Iyong sa lamig nya akala mo nasa refrigerator ka, yung sa lamig ng boses nya parang relasyon nyo ay mali ano pala yung parang nasa Antarctica kana.

"Cloud Damon Malfoy 19 Cloud at your service" sweet na sabi nya sabay kindat. Ay malantod si bebe. Buti naman di sya nagmana dun sa tatay nyang si Draco Malfoy..

'Luhh pano mo naman nasabi na tatay nya si Draco Malfoy?' sa isip isip ko.

'Duhh syempre magka apelyido sila' sabat ko naman sa sinabi ng utak ko.

'Bobo mo talaga, di ba pwedeng magka apelyido lang?' kontra pa nito sa akin.

'Aba malay ko' sagot ko naman sa isip ko sa boses sa isipan ko.

"Zendrix Quartz, 19, drix for short" at isa na namang sweet na magsalita ang dumagdag. Lumabas pa ang biloy nya sa magkabilang pisngi. Ang cute, parang ang sarap pisilin.

"Blake Zyl Foster, 20 Zyl " at eto naman galing refrigerator, samalamig din sya. Ano kaya siya? May lahing halo-halo? Buko na may ice?

"Xandria Gray, 19 just call me Ria" she sweetly said. Ayy pang prinsesa yung beauty ni ateng. Ang ganda-ganda.

And so on... next is yung mga kasama ko sa table na tapos last ako, punyeta kaya ayoko sa first day eh.

"Annyeong Vendrix Kim imnida, drix na lang itawag nyo sa'kin, 19 years old din" eto naman nag elyen pa este korean pala. Syempre alam kong Korean iyon, kapareho iyon ng salita ng EXO eh, tapos wala akong maintindihan.

"Yannah Woodson you can call me Yan-yan or Yannie, I am 19 years old" si wood? Kahoy?

"Alister Sky Porter, 19" pakilala naman ni Port daw. Basta may Sky yung pangalan, ano yun? Ulap? O langit?

"Xynara Zein Blood, 19" magiliw nyang pagpapakilala. Aww sana all kyut lalo pag nakangiti, ehh ako mukhang may masamang balak. Ang unfair ng mundo mamaya magdadabog ako sa may gilid.

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora