Chapter 26: kiss

12 3 0
                                    

"Pagkaganid ang pagmumulan ng dilim na maghahari sa loob ng mahabang panahon.
Dalawang buhay ang makakatagpo sa dilim.
Ang landas na magkabigkis ay maghihiwalay.
Buhay at kamatayan, liwanag at kadiliman.
Ang kamatayan at kadiliman ay mag-iisa.
Ang bunga ay maglalaho.
Dalawang buhay ang isasakripisyo.
Ang naglaho ay magbabalik.
Maghahasik ng lagim ang pusong nagtatangis.
Mula sa liwanag isisilang ang buhay na mahika.
Ang anak ng dilim, at ang liwanag ay magtatagpo.
Ang dalawa ay magiging isa.
Ang landas na nagtagpo ay maglalayo.
Muling magtatagpo sa tamang panahon.
Sa paghinog ng panahon, ang liwanag at dilim ay magiging balanse" basa ko sa nakasulat sa isang scroll na base sa pagkakaintindi ko ay ito ang sinasabi na propesiya. Narito ako ngayon sa chamber ni Eros habang hawak ang scroll na naglalaman ng propesiya, ang scroll na galing pa mismo sa orakulo. Akala ko pa naman iyong sinabi ni abuela, eh iyon na talaga ang propesiya. Ginawan lang pala ako ng narration ni abuela kanina, pagkatapos ay ibinigay sa akin itong scroll.

Pagkaganid ang pagmumulan ng dilim na maghahari sa loob ng mahabang panahon, hmm, indeed greed is a bad thing kaya nga siguro ito nasali sa seven deadly sins.

Dalawang buhay ang makakatagpo sa dilim. I guess it was abuela and her bestfriend Luciana. At ang tinutukoy na dilim rito mismo ay si Zaffiro, ang black wizard.

Ang landas na magkabigkis ay maghihiwalay. I guess this was still about abuela and Luciana. Hindi sila pareho ng kapalaran, magkaiba ang naging resulta ng ginawa nilang pagkamit sa Imortalis.

Buhay at kamatayan, liwanag at kadiliman. Buhay at kamatayan, hmm. Buhay ay para sa kapangyarihan ni abuela, pinoprotektahan nito ang buhay sa kabila ng sumpa ng walang hanggang buhay. Ang kamatayan naman ay kay Luciana, sa mama ni Eros. Ang kapangyarihan na kumukuha ng buhay nang anumang mahawakan. Parang ganoon na rin sa liwanag at kadiliman. Ang magkaibang uri ng kapangyarihan na hawak nila ang tinutukoy sa mga salitang ito.

Ang kamatayan at kadiliman ay mag-iisa. Huh? So pati ang pagmamahalan ng magulang ni Eros nakasaad rin sa propesiya? Ang kamatayan na tinutukoy ay ang mahika ng mama ni Eros, or simply it was his mother, at ang kadiliman ay si Zaffiro, ang walang hanggang kadiliman. So sila ang piling mga nilalang na iniulat na ang tadhana bago pa man sila isilang.

Ang bunga ay maglalaho. Natigilan ako habang ina-analisa ang linyang ito. Ang bunga? Anong bunga ang tinutukoy rito? Si Eros ba? Ang bunga ba ng dalawang may hawak ng sumpa ng kontradiksyon. Ang bearer ng darkness and death. Pero bakit ganito? Paanong maglalaho eh buhay na buhay naman si Eros. Takte bakit parang ang hirap naman? Si Eros nga ba ang tinutukoy rito? O baka naman hindi. Napailing ako bago magpatuloy.

Dalawang buhay ang isasakripisyo. Huh? Ano to? Teka, hindi ko na maintindihan. May naikwento ba si abuela tungkol dito? Bakit naman kasi hindi ako masyadong nakinig eh.

Napalingon ako sa gawi ni Eros na ngayon ay tahimik lang na nakaupo sa kama niya, habang ako ay narito sa gilid ng kama, malapit na lamesa kung saan naroroon nakalatag ang scroll. Kumunot naman noo nito, actually kanina pa nakakunot ang noo niya at kanina pa rin sya tahimik. Hindi kagaya nang dati na pamisan-minsan akong hinaharot. Tss, problema ng haring 'to? 

Eros' POV

Nasa kabilang gilid lang ako ng kama dito sa chamber ko habang pinapanood si Erza na binabasa ang scroll. Sa totoo lang natatakot ako, natatakot na baka kapag nalaman niya ang nakasaad sa propesiya ay magdisesyon s'yang lumayo. Maaaring magdulot ng kaguluhan kapag magkasama kami, kapag nagkatuluyan kaya naman natatakot ako na baka maisip niyang iwanan ako sa oras na malaman niya ang nakasaad sa propesiya.

Kaso sa ginagawa ko, sino nga ba ang niloloko ko? Ang sarili ko lang din. Hindi ako sanay na hindi kibuin si Erza, mas lalo na ang maging malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Bakit ko nga ba naisip iyon, eh ako naman itong patay na patay sa kanya? Pambihira naman oh.

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon