Chapter 23: Claveria kingdom

10 2 0
                                    

Erza's POV

"Woahh" bulalas ko nang makarating kami sa gate ng Claveria.

Hindi ko mapigilang ang mamangha sa mala-paraisong ganda ng paligid. The gate was made from an old metal at ang makapal na pader naman ay yari sa mga bato. May mga vines na nakakapit sa gate at sa pader, may malalaking ugat ng balete ang nakakapit at gumagapang sa mga pader ng kaharian ni Eros. It doesn't look creepy to me, it actually makes it more beautiful, too beautiful that I can't help but to touch it, to feel it with my palm. Mas nakadagdag lang ang mga vines at ugat ng balete sa ganda ng lugar.

"Let's go milady" saad nito sabay lahad ulit sa kamay niya na binitawan ko kanina nang haplusin ang mga pader at vines pati mga ugat-ugat sa pader ng kaharian niya. 

Muli ay inabot ko ang kamay niyang nakalahad at saka pumasok sa kaharian ni Eros. At kung namangha man ako sa labas pa lamang ng kaharian, ay mas lalo namang namangha ako pagkapasok ko sa loob. It was enchanting. Ang madilim na paligid ay napapalibutan ng mga nagkikislapang alitaptap, pinapalibutan ang bawat puno at mga halaman. Kung titingnan ay tila hindi ito kaharian ng mga bampira sa pagiging makulay ng paligid. Lilies are everywhere, lutos, water lilies in the pond, at marami pang mga bulaklak, at syempre hindi nawawala ang naggagandahang mga pulang rosas sa paligid. It actually made a pathway towards the castle in this kingdom.

"Maganda pa rin kagaya nang dati" komento ni abuela sa paligid na hindi ko namalayan na kasama lang pala namin. Masyado akong namangha sa nakikita ng aking mga mata na nakalimutan kong kasama nga pala namin sina abuela at Drake.

"Sobrang ganda" hindi ko rin mapigilang magkomento.

"Halata nga na nagagandahan ka Miss Erza, kanina ka pa puri ng puri sa kaharian eh" sabat naman ni Drake na ikinanguso ko.

Like normal lang naman siguro na mamangha sa ganito kagandang lugar hindi ba? Hindi naman kasi ako nakakita ng ganito kagandang lugar dati eh. Siguro sa past life oo, pero hindi naman malinaw ang ibang alaala ko eh, lalo na sa clan ng mga De Luna.

"Welcome back Milord" sabay-sabay na bati ng mga nakaitim na lalaki, at mga babaeng tagasilbi na nakaitim rin na blouse at palda, may kwelyong puti nga lang, samantalang ang mga lalaki ay nakapurong itim.

Akala ko nakasuot pa sila ng kalasag eh, mga pananggalang at saka espada o hindi kaya ay palaso, o kaya naman ay mga pana, like armored talaga kagaya ng mga sibilisasyon noong sinaunang panahon. Ano kaya ang hitsura nila kapag ganoon no? Tapos nasa modernong panahon na? Natawa naman ako sa naisip.

"Milady, ang pangit naman kasi siguro tingnan kung nasa modernong panahon na pagkatapos makaluma pa rin kami hindi ba? Sumasabay rin kami sa pagbabago ng panahon para hindi mapag-iwanan ng sibilisasyon at saka para rin hindi mapaghinalaan ng mga tao" bugnot na sabat ni Eros na malamang ay nabasa ang bawat bagay na nasa isipan ko. Nag peace sign na lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Sabagay tama nga naman kasi, sobrang weird nga siguro kung may mga kalasag, mga pananggalang, palaso, espada, at pana pa sila. Iyong kaharian at gate pa lang nga nila halatang luma na eh, pati ba naman ang mga naniniharahan sa kaharian ay makaluma rin? Ano yun? Hindi naka-adapt sa pagbabago ng panahon?

"Welcome home Milord" anang lalaking nakaitim na nasa may pintuan ng castle. Well, lahat naman sila nakaitim eh. Wala yatang taste sa fashion. O baka naman uniform lang nila?

"Uniform nila" bulong sa akin ni Eros dahilan para mapatango ako. Hindi ko na tinanong pa kung paano niya nalaman, kasi malamang ay nabasa na naman niya ang aking isipan.

Tumingin ako sa gawing kaliwa ng castle, and there I found a hut from maybe a hundred or a hundred and fifty meters away from the gate of the castle itself. May nakita akong batang babae na naka vintage dress, it was blue and white but vintage ang design pero sobrang classy tingnan ng bata na kung titingnan ay nasa sampung taong gulang na. She look so elegant and classy with the way she carry herself kahit ang bata pa niya.

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें