Chapter 18: Preparation

7 2 0
                                    

Erza

Nagising ako nang maaliwalas ang pakiramdam, may maramdaman din akong matigas na bagay na nakapulupot sa bewang ko. Gusto kong sumigaw pero mukhang pamilyar sa akin ang amoy at ang disenyo ng paligid.

'Eros' iyon agad ang unang pumasok sa isipan ko. Oo nga pala, naalala ko ito ang kwarto ni Eros. Iginala ko ang paningin upang mapatunayang naririto nga ako sa kanyang silid at hindi isang ilusyon lamang.

Muli ay may humapit sa bewang kong matigas na bagay, tiningnan ko at napag-alamang kamay pala iyon ni Eros. Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto. Ibig bang sabihin ay magkatabi kaming natulog sa kama nya? Wahh, ano ba ang nangyari?
Nagpa-panic na ako at hindi mapakali.

"Binibini ang ingay mo, gusto ko pang matulog" ang antok na boses ni Eros ang nagbalik sa akin sa reyalidad.

Teka, teka? Hindi naman ako sumigaw ah, eh bat ang sabi nya ang ingay ko daw?

"Baby, did you forgot that I can hear your thoughts?" ganoon pa din ang boses ni Eros, antok na parang namamalat. Pero bakit ba sya sabat ng sabat eh hindi ko naman sya tinatanong.

Maya maya pa ay biglang may tumawa na naman, oo walang iba kundi si Eros na katabi ko pa rin. Kaya sa sobrang asar ay binaklas ko ang braso nyang nakapalibot sa bewang ko at naupo sa kama.

"What's with that face baby? Hmm" tanong pa nya pero hindi ko maintindihan. Kaya naman napasimangot na lang ako kasi pilit kong iniintindi yung mga pinagsasabi nya. Hindi naman sa sobrang bobo ko na talaga, sadyang mahina lang akong umintindi ng english.

"Hahaha okay okay. Hindi na" tawang tawa sya habang sinasabi yun na akala mo naman nababasa yung isip ko. Ay oo nga pala, bampira nga pala sya kaya alam nya iniisip ko. Ampota ang daya.

"Ahmm paano ako napunta dito?" tanong ko kay Eros kasi naalala ko na kagabi umalis ako para subukang maghanap ng bagay na mai-uugnay na sa mga kababalaghang nagaganap sa lugar na ito, idagdag mo pa ang halos magkasabay na pagkawala ng mga estudyante. Kaya kahit na takot ako ay pinilit kong lumabas, tapos.... tapos... teka ano ba ang sumunod na naganap?

Hmm oo nga pala, may usok at hamog. Makapal na hamog at usok na pumalibot sa akin at pilit akong kinukuha, parang may kung anong humihigop sa akin tapos may mga nilalang na nakabalabal ng itim na nakapalibot sa akin tapos nung ilang metro na lang ang pagitan namin ay biglang may ilaw na lumabas mula sa kung saan, hindi ko alam kung tama ba ang pagkaka-alala ko, o sadyang pinaglalaruan lang ako ng aking imahinasyon pero ramdam kong may mainit na pakiramdam sa kaloob-looban ko, dito sa puso ko kasabay ng nakakasilaw na liwanag. Tapos mula sa malayo ay kitang-kita ko na papalapit si Eros sa kinaroroonan ko at pilit akong inaabot at pagkatapos nun ay hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Eros, hindi ako nakinig sa kanya. Sana kung hindi lang ako lumabas, edi sana hindi nanganib ang buhay ko kagabi.

"Shhh, hindi mo kasalanan aking binibini. Kasalanan ko kasi hindi ko naipaliwanag sa iyo ang mga kaganapan sa paligid" paghinging paumanhin ni Eros. Alam kong naririnig nya ang iniisip ko.

"Pero kasi eh, natakot ako na baka hindi na kita muling makita pa. Akala ko mawawala na ako kagabi kagaya nung mga estudyanteng naging biktima ng kababalaghan" mangiyak-ngiyak na saad ko. Hindi ko din maisip kung bakit ko nga ba ginawa ang bagay na iyon kahit pa alam ko naman na delikado. Kung hindi lang dahil sa liwanag na iyon kagabi, siguro wala na din ako. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung saan iyon nanggaling.

"Sa iyo galing yun" biglang sabi ni Eros habang matiim akong tinititigan. Teka ano ba ang pinagsasabi nya? Hindi ko sya maintindihan. Anong sa akin galing?

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Where stories live. Discover now