40TH

25 1 0
                                    

Ysa's

"Is today my rest day?" my brother asked me, bakas ang kapaguran sa kanyang boses. Ilang beses na niyang natanong 'yan sa akin. As much as I want to let him rest, he can' t. Kailangan siya sa mga pinupuntahan namin.

"Not your lucky day," tugon ko matapos na makita ang isang event sa aking tablet. "Contract signing with Metroㅡwhat?" Nagitla ako sa aking nakita, causing me to face him. "Contract signing agad?!"

"Your ex accepted it right away." I rolled my eyes at his way of addressing his co-CEO. Napa-ismid siya. "Not your lucky day, Sis."

Napasinghal ako. Talaga naman.

Nandito kami ngayon sa office upang tapusin ang mga ginagawa namin dito bago kami tuluyang lumabas upang gawin ang mga kailangang gawin sa labas. We are both done in every task that's left to do, kaya't papunta na kami sa kotse upang umalis dito.

Regarding of my request back at Dad's birthday party, my brother strictly disapproved with my decision. Sinabihan niya pa ako ng don't put your personal affairs in work. Wala naman akong nagawa dahil siya ang aking boss at ang kataas-taasang CEO ng kumpanya. Pang-QOTD talaga ang mga sinasabi nitong kuya ko.

"Hindi na ako sasama," I told him by the time we reached our destination.

"What?" Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo at ibinaba ang kanyang glasses. "Come on, you have to be there."

My eyebrows slowly knitted. "I don't need to be there."

Pinaningkitan niya ako ng mata. "I told you, you have to."

Napairap ako. "What's so important that the presence of your secretary needs to be in your affairs?"

"That's the point!" He shrugged. "You are my secretary."

"Meaning...?"

Ibinalik niya ang salamin sa kanyang mata at ngumisi. He posed. "You have to take a picture of me."

Napairap ako. "You have a photographer!"

May kinuha siya mula sa kanyang bulsa, it was his phone. He lent it to me. "I want it on my phone."

I groaned. Hinablot ko ito mula sa kanyang kamay at lumabas ng kotse. Bwisit ka talaga Kuya.

Kahit na labag sa loob ko, sumama ako sa kanya sa event. For all I know, gusto niya lang akong asarin kapag nagkita kami ng ex ko. Look who's being so unprofessional.

We were leaded to our designated table as soon as we entered the area. I caught the attention of some people as I walked in my navy blue long sleeve polo, beige pencil skirt and apricot stilettos. Nagpalinga-linga ako sa paligid. His building looked fancy, hindi na nakakapagtaka. 

Matapos ang ilang sandali, nagsimula na ang event. The CEO of Metroleum went on stage and conducted a short introductory speech. Brett looked like the usual. He was still in his formal black suit. However, it looked a little tight this time. Bakat ang kanyang muscular na katawan, it developed a lot. But, wait... Is he wearing makeup? 

He hates it! I covertly giggled. Mukhang napilitan siyang lagyan nito.

"Kilig ka r'yan?" my brother butted in.

Nawala ang ngiti sa aking labi dahil dito. Tumikhim ako at umayos ng upo, nagkukunwaring nakikinig sa harap. "Who are you talking to?" pagpapatay-malisya ko. I was only laughing because it was hilarious, pero kung sasabihin ko ito kay Kuya, aasarin lang ako nito.

"Sino bang katabi ko?" I kept a straight face. "Hindi ka pa pala naka-move on." Suminghal pa siya at umiling-iling.

"I-I have!" Humalakhak siya dahil sa pag-utal ko. I groaned and faced him. "He's wearing makeup, okay? I laughed because he hates it."

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now