21ST

33 2 0
                                    

Ysa's

I chose to ignore what Brett said a few days ago. Kahit na ramdam ko ang titig niya kahit saan ako magpuntaㅡdahil hindi niya talaga ako tinantananㅡnababale-wala ko na rin 'yon dahil sa sobrang daming pinapagawa sa amin. I sometimes wonder how does he manage his time sa buong araw na sinusundan niya ako.

Biglang nag-announce ng free cut 'yung professor namin dahil may faculty meeting daw. Natuwa naman kaming lahat dahil wala talaga kaming pahinga sa school works these past few days. We had a lot of requirements to comply to.

Napalingon ako sa katabi kong abnormally na tahimik. Ganito na siya simula no'ng hindi ko siya pansinin. Nakikita ko rin siya minsan na nagjo-jogging kasama ang basketball team at hindi na siya nakangiti. Minsan, kahit makasalubong ko siya, nginingitian niya ako. Pero ngayon, kahit na hindi ko siya pinapansin, nginingitian niya pa rin ako, hindi nga lang 'yung sobrang lawak 'di kagaya no'ng dati.

Nang wala nang ibang tao sa room bukod sa amin, agad akong humarap sa kanya.

"Nico," pagtawag ko sa kanya.

"Yes?" tugon niya habang nililigpit ang mga gamit niya. "Nakausap mo na ba sila?"

"I think you're the one that I should talk to."

Napaangat siya ng tingin sa akin. His eyes were lifeless. Dati, kahit tingnan mo lang siya sa mata, makikita mo nang masiyahin siya. Ngayon, wala na. "Why?"

Napabuntong-hininga ako. "You knew who Folke was," prangkang sagot ko. I saw how realization got into him. "Was he your last friend?"

Hindi siya nakasagot. He only stared at me.

"Kaya mo ba kami sinet-up ay para maalala niya ako? Kaya mo ba ako pinilit na kaibiganin? Para ma-set up mo kami?"

Umiwas siya ng tingin.

I scowled. Nagsisimula nang bumigat ang dibdib ko. "We're not dolls. You can't have us in control, 'wag kang feeling fairy godmother."

He chuckled. "I'm no fairy god mother, I'm a boy for goodness' sake."

I chose to ignore his comment. We're in no comedy show, this brat.

I took a deep breath. "Hindi mo man lang inalam 'yung nararamdaman namin sa ginagawa mo. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang kino-kontrol mo rin siya, kagaya ng mga magulang niya? Paano naman siya na walang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon? Paano kung gusto niyang magkaroon ng tahimik na buhay? We all have our own decisions, dapat nirespeto mo 'yung sa amin."

"How can he decide for himself when he don't even know what to decide?" tumingin na siya sa akin. "I tried to put you closer para makaalala siya. I thought you were the key para matauhan siyaㅡ"

"Pero paano kung ako 'yung gusto niyang kalimutan?!" I cut him off. I pursed my lips, trying to hold back my tears. "All this time, pinaglalapit mo kami pero ako pala 'yung gusto niyang iwasan. He wanted to have a better life without me, why can't you just let him?"

"Hindi ko pwedeng hayaan na mamuhay na lang siya sa buhay niyang puno ng kasinungalingan!" he brushed his fingers on his hair out of frustration. "Look, I know how much he loves you. Everyday, he would tell me how he will fight for you. You were his only strength left to go on. That's why I want him to remember you."

Ferocious Affection (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin