7TH

53 15 2
                                    

Ysa's

This hangover is killing me.

Nagle-lecture ang professor namin ngayon tungkol sa business planning at hindi ako masunod dahil sa sakit ng ulo. Nagpapaikot na ang mata ko sa bilis niyang mag-slide ng powerpoint niya.

Can't they just talk and move slowly? Ako 'yung napapagod para sa kanila. Dada sila ng dada, wala namang nakakaintindi sa kanila. It's just like watching a Korean drama without subtitles.

Natapos na lang ang klase namin at wala akong naisulat sa aking notebook. Argh, I do care about my grades but I can't make a single move to study today.

Ililigpit ko na sana ang mga gamit na nasa desk ko nang biglang may maghagis ng notebook sa desk ko. It was full of notes about the discussion. Ang ganda ng sulat, may design at naka-cursive pa.

"Stop making fun of it, I'm no gay." suway niya sa akin nang muntik na akong tumawa ng malakas sa notebook niya.

"Is this really yours?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga, ang kulit." he looked irritated. Anong meron?

"You can text me if you missed something in our class. I'll just bring it to you, I don't reply in texts."

"Okay," tugon ko habang nakatitig pa rin sa notes niya. "Daig mo pa ako sa sobrang organized ng notes moㅡ"

"How can you act so normal like nothing happened last night?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "What? Anong nangyari kagabi?"

I can't remember anything that happened last night. Ang tanging naalala ko sa mga nangyari kagabi ay 'yung kausap ko si bakla. Nagising na lang ako sa ingay ng kuya ko kanina na nagsasabing late na ako at nakahiga ako sa sarili kong kama. There was nothing strange about my body so I bet nothing disturbing happened last night.

"Hulaan mo," ngiting-ngiti na pang-asar pa niya. Mas lalong lumaki ang ngiti niya nang hindi ako sumagot. "Hulaan mo nga muna."

Pero ito siya ngayon at ginugulo ang tahimik kong pag-iisip...

"Brett!" kung may nangyari talaga kagabi, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa lalaking 'to!

He didn't looked pissed and irritated this time. Bigla na namang nag-blangko ang mukha niya. Him and his mood swings. "Well, sinukahan mo lang naman ako at sa harap pa ni Dad. He even scolded me for misinterpreting that I was drinking with you and you were my new joke."

"Ha? Wait, h-hindi ko maintindihan." hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. Pinilit ko namang intindihan ang mga sinabi niya. What the.. "Y-you were there?"

"You even called me white ice, na hindi ko alam kung saan mo nakuha. Ang corny moㅡ"

"At ginawa ko 'yon?!" napaatras naman siya ng kaunti dahil sa lakas ng sigaw ko. Tinitigan ko siya at dahan-dahan siyang tumango. "Lahat nang 'yon?!" muli siyang tumango at napasapo na lang ako sa noo ko. Nakakahiya!" kinakabahan akong napatingin sa kanya, "but what do you mean that he thought I was your new joke?"

"That's what I'm not allowed to say."

Napakunot ako ng noo. Parang 'yun lang? Masyado bang malalim 'yon para hindi sabihin sa iba?

Ferocious Affection (COMPLETED) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα