4TH

71 15 0
                                    

Ysa's

Alien songs were everywhere I go. I wanted to have a peaceful weekend in the park yet there are a lot of people dancing here to these songs. Kanina pa sila rito, mag-iisang oras na silang sumasayaw.

Pinapanood ko lang silang sumayaw nang biglang may tumabing saking isang babae. She's somehow familiar. Napalingon ako sa kanya pero diretso lang siyang nakatingin at pinapanood ang mga sumasayaw kaya hindi ko na lang din siya pinansin.

"Ang galing nila sumayaw 'no?" bigla naman akong napalingon sa babae nang bigla siyang magsalita, nakatitig lang siya sa kanila habang nakangiti. "I wish I still can too."

"Were you talking to me?" mataray na tanong ko sa kanya. Gusto ko mapag-isa ngayon, I don't want somebody to talk to.

Bigla namang nasira ang mukha niya dahil sa sinabi ko at napalingon sakin. "Sorry? I'm not."

Nagkibit-balikat ako. "Well, I guess wala kang mga kaibigan kaya nakikipag-usap ka na lang sa sarili mo." at muli kong pinanood ang mga sumasayaw. "Wanna have one?"

"Biㅡ"

"Bili ka."

"How can kㅡ"

"What are we gonna talk about?"

Nanlaki ang mata ko at agad akong yumuko nang marinig ko ang boses ni Brett. Hindi niya nakikita ang mukha ko dahil nakatayo siya sa harap ng babaeng katabi ko. Sana lang talaga hindi niya ako ma-recognize.

"Do we really have to talk?" dugtong pa niya.

"Let's talk somewhere private. I don't want some biㅡ"

"Watch your filthy mouth," pagputol niya sa kanya.

"Stop it," bakas ang pagkairita sa boses ng babae. Napairap naman ako kasabay ng pagbaling ng ulo ko sa gilid, siya na nga 'tong tinuturuan ng tama.

"And stop it Ysa, I know it's you." napaangat naman ang tingin ko kay Brett nang sabihin niya 'yon.

"You know this biㅡ"

"When will you ever stop saying that word?" pagputol niya sa kanya. "Kaya ka napapahamak eh, you really are a troublemaker."

"And so are you," she shot back.

"Not anymore." Sobrang sama na ng tingin ni Brett sa kanya. The tension is getting stronger.

Dahan-dahan akong tumayo at maglalakad na sana palayo nang bigla akong tawagin ni Brett sa pangalan ko. Agad naman akong napako sa kinatatayuan ko at bigla niya akong hinila palayo roon.

"So you're using someone just to pretend that you're already over me?"

Napatigil naman si Brett sa paglalakad nang bigla 'yong isigaw ng babae.

"I really am over you, Syndy. Stop it."

With that, he pulled me away from that place. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"I'm not here to waste time being involved in your love-life problem, okay? Quit playing games." Nanatiling masama ang tingin ko sa kanya. He should realize it. I'm not one to be involved in someone else's chaos, I myself should begin the chaos.

Biglang nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya, showing his realization. "Sorry. Can you do me a favor?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, sabay ganoon? Ganon-ganon lang 'yon?

"I thought you'll try to be a good friend to me?" dagdag niya na nagpaalala sa akin ng mga sinabi ko sa kanya dati.

Napairap ako, "whatever, what is it?" I said while checking my phone.

Ferocious Affection (COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن