1ST

145 16 6
                                    

Ysa's

I decided to stay at the coffee shop after borrowing some books related to my degree program from the library. Dito na muna ako nanatili kahit sandali man lang, I want to take a break from my brother's loudness, he's very irritating. Sasakay na lang ako ng taxi mamaya, ang bigat ng mga libro na 'to. Ang nakakainis pa, nagsiksikan sila rito sa loob ng bag ko dahil sa dami nila. I don't have any other choice but to study anyway.

Why does mom even want me to study here in Manila? Does she think having no friends to personally talk with helps me in my studies? No way. Wala pa akong mga kaibigan dito, kahit sa village namin. I'll make friends for sure, 'yun ay kung matiis nila ang ugali ko.

Nang maubos ko ang donut at frappe na kinakain ko, lumabas na ako ng coffee shop at nag-abang ng taxi sa labas. Malayo ang library mula sa bahay namin, 'di kagaya sa mismong university, walking distance lang mula sa village namin.

There's no traffic, but there's no taxi. I mean, walang pwedeng masakyan na taxi. Nasa Manila nga ako.

Habang naghihintay, may tumigil na sports car sa harap ko. I was about to knock on its window because of confusion when the car suddenly drove away, leaving a lot of dust all over the road. Napaubo ako at nagsimula nang sumikip ang dibdib ko, I hate this asthma! Agad kong kinuha ang inhaler ko at inilagay ito sa bibig ko, good thing it's always here.

Nang makaayos na ako ng paghinga ay inis kong hinanap ang sports car pero wala na ito. I luckily remembered its plate number and quickly took note of it. I'll make sure to find that car, that brat.

Inis akong nagpara ng taxi, buti na lang at wala itong sakay. Sinabi ko ang kung saang subdivision ako at agad naman akong nakarating sa bahay namin.

"What's up?" salubong sa akin ng kuya kong si Rudy nang makapasok ako sa bahay namin. What's new with him? He would always piss me off whenever I already look pissed off, tss.

Umiwas ako nang akma niya akong aakbayan at umakyat papunta sa kwarto ko. Inilagay ko ang bag ko sa isang tabi at ibinagsak ang sarili ko sa kama ko, I missed you bed.

Papikit na sana ako dahil sa antok nang biglang bumukas ang pinto. I groaned, ito na naman siya. "Dad got you a new car for your own use."

"So, sa akin pala 'yung bagong kotse na nakapark sa garage.." bulong ko at pumikit. "Tell him that I'm thankful for the present."

Kahit na galing lang naman 'yon sa kumpanya namin.

"Tss," pagsinghal niya at narinig ko ang pagsarado ng pinto. Naramdaman kong may umupo sa gilid ko, hindi pa siya lumabas. Napadilat ako nang bigla niya akong pitikin sa noo. "Can't you at least genuinely thank him for that? Pinakamahal na 'yun na regalo sa 'yo ni dad, he even got it customized for you."

Umayos ako ng upo at ginantihan siya ng pitik sa noo. "I want to sleep, nakakapagod maghanap ng mga libro sa napakalaking library na 'yon."

He heaved a sigh. "At least tell himㅡ"

"Maybe later," at ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at nagtalukbong ng comforter.

Wala na siyang nagawa kaya napabuntong-hininga na lang siya at lumabas ng kwarto ko. Talo talaga siya sa akin lagi, what I say is what I mean. Making me a bad person in some ways but what can I do? I'm just me.

---

Weeks passed and the first day of college came. I came to my first class that was held in an auditorium, I was just wearing a simple jumper with a white turtle neck long sleeves in it and sneakers. Umupo ako sa gitna, yet some students still approached me and said hi. Halatang may lahi ang iba sa kanila. Napaka-friendly nila, kahit 'yung mga nakasabayan ko papasok dito ay kinakausap ako at tinatanong kung ano ang degree program ko or something. It feels nice, I feel welcomed.

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now