9TH

46 15 3
                                    

Ysa's

Nandito ako ngayon sa coffee shop at hinihintay ang pagdating nina Nico at Folke. It's Friday at ngayon ang napag-usapan naming araw ng pagpapasa ng mga gawain na ibinigay ko sa kanila. I wonder if Nico finished all the work I gave him...

I chose to just give them a task para wala kaming masyadong interaction. I can't spend a lot of time with Folke... delikado para sa akin. At isa pa, mas lalo lang akong aasarin at tatanungin ni Nico kapag mas lalo akong naging weird sa paligid niya. Madaldal pa naman ang isang yun.

Nagtalo pa kami ni Folke na dapat ay magkakasama kaming gumawa nito pero nag-iisip talaga ako ng excuses. Ayokong makasama siya araw-araw bawat pagkatapos ng klase, hindi 'yon kakayanin ng puso ko.

I heard the wind chime clang and I was expecting Nico to come early but then... it was Brett. He had his eyeglasses on and he looked really cute wearing that. Naka-casual attire lang naman siya pero ang dating niya ay parang papasok siya sa office. Paano pa kaya kapag nakasuot siya ng suit?

May nakasunod sa kanyang babae and it was... Syndy. She had papers and envelopes on her hand, looking so serious too. Napangisi ako nang mapansin kong sila ang magkasama.

Naka-move on na, huh?

Naglakad si Brett palapit sa akin at nakasunod lang sa kanya si Syndy. Napatigil siya sa paglalakad nang mapansin niya ako. "Hey... what are you doing here?"

I smiled. "Hinihintay ko yung groupmates ko sa research, tatapusin na namin para hindi kami matambakan."

Tumikhim naman si Syndy at tumingin sa kanya, "I still have a lot to do, Brett. I'm running out of time."

"I'm not the one who still pushed this through knowing that it will be rejected." seryosong tugon ni Brett at napairap lang siya. He's very dull. He then smiled at me and proceeded to the table behind me.

"You see, we have come up of a lot of proposals for you andㅡ"

"Hey, Ysa," napagitla ako nang bigla kong marinig ang boses ni Folke. Nakatayo siya sa harap ko at nakangiti. Parang ang inosente niyang tao sa itsura niya! Don't he find me weird?

"H-hey." gusto kong sampalin ang sarili ko dahil masyado akong suspicious! Hindi na ako magtataka kung biglang magbago ang pakikitungo niya sa akin.

"Did I keep you waiting?" he asked and sat down on the chair in front of me.

Pilit akong ngumiti. "Hindi naman." agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bag ko matapos magsalita at kinalikot ito. I don't want to be stuck in an awkward situation so I tried to excuse myself.

"Were you here for a long time?" napaangat akong muli ng tingin sa kanya nang tanungin niya ito. He was staring at me intently and it's weird.

"Oo," tumawa ako ng mahinaㅡbut that did not make the situation less awkward. "T-tinanong mo na 'yan, 'di ba?"

He chuckled. Natigilan ako at napatitig sa kanya, he seriously looked and sounded like him. "I mean, dito sa Manila? I think I've seen you somewhere..." first time ko lang siyang marinig mag-Tagalog at mukhang hindi siya sanay.

"Bago lang kami rito." tumango-tango lang siya. He was doing something on his notebook. "Ano'ng ginagawa mo?"

"Drawing," he showed me a portrait of the sunset in a beach. Natigilan ako.

He loves beaches and sunsets.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti siya habang nags-shade ng kanyang drawing. He looked so happy while doing that.

Ferocious Affection (COMPLETED) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ