31ST

26 2 0
                                    

Ysa's

"Cheers!"

The glasses made a sound when Brett and I clinked our glasses of champagne together. Ibinalik namin ang baso sa mesa matapos na uminom ng kaunti mula rito.

"It looks even more heavenly during the day," sambit ko, referring to the underwater restaurant. Hiniwa ko ang steak na pinili niya para sa reservation na ito at sumubo ng isa.

"That's why I brought you here, again. We weren't able to see its day version last year," tugon ni Brett habang pinapasadahan ng tingin ang buong lugar.

Oh, right. Gabi na no'ng dinala niya ako rito noong nakaraang taon bilang isang surpresa para sa aking twentieth birthday. May pa-blindfold pa siyang nalalaman no'n!

At ngayon, nandito na naman kami para mag-celebrate ng Valentine's day. We've been to many places this Christmas vacation, but this has been my favorite place ever since he brought me here!

"How did you find this place, anyway? I didn't get to ask you this." I asked, cutting another part of the steak.

"There's google, you know?"

Sumubo ako ng isa pa at dinuro siya gamit ang tinidor. "I bet you searched for The Most Romantic Places in Maldives." pagbibiro ko.

Ngumisi siya. "Does this seem romantic to you?"

Napatigil ako sa pag-nguya. "Bakit? Isn't that the purpose of all of this?"

Nawala ang ngisi mula sa kanyang labi. His face turned serious for a while, then he chuckled. "It is, 'cause I know you'll love it."

I pursed my lips when I felt my cheeks turn red. Narinig ko siyang humagikhik.

Ano ba 'yan, mag-iisang taon na kami pero hindi pa rin ako nasanay sa mga pinaggagawa niya!

"You once told me that you were a troublemaker, right?" tanong ko matapos naming kumain. I got a tissue and damped it on my lips.

He smirked. "And you told me that you're not interested on my history, right?" panggagaya niya sa tono ng pananalita ko.

I chuckled and rolled my eyes. "That was before! Bakit ba ayaw mong kalimutan 'yung mga kasalanan ko sa 'yo dati?"

Totoo! No'ng papunta palang kami rito, he kept on bringing his grudges on my past actions up! Kesyo no'ng iniiwasan ko raw siya, ang lungkot niya dahil naiwan siyang mag-isa. No'ng lagi ko siyang sinusungitanㅡthough sinusungitan ko pa rin siya hanggang ngayonㅡang hirap daw mag-isip ng mga mapapag-usapan para lumiwanag 'yong atmosphere.

"Pinahirapan mo akong manligaw sa 'yo!" he laughed.

I arched a brow. "Nanunumbat ka ba?"

He smiled widely, halatang nang-aasar. He shook his head. "Hindi."

I made a face and hit his forehead with my knuckles, which made him wince.

Impit akong napatili nang kunin niya ang kamay ko at hilain ito upang mapalapit ako sa kanya, causing me to stand from my seat. Naramdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib. He playfully smiled, but that faded as soon as his stare went down to my lips.

Napalunok ako sa naramdamang tensyon mula sa paraan ng pagkakatitig niya rito. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakahinga ng maluwag nang bumaling siya sa aking mga mata. He smiled once again as he let go of my hand and tuck a strand of my hair behind my ear.

Ferocious Affection (COMPLETED) Where stories live. Discover now