Chapter 20

14 1 0
                                    

With Sir Daniel

"Drop the po, sir, opo, or I'll kiss you." He said.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya pero bigla ko rin iyong tinikom at tinakpan yung bibig ko nang maproccess yung sinabi niya.

Mukhang mali atang desisyon na sumama ako sa kanya.

"Huy, Daniel ano ba, bilisan mo nga't umalis na tayo. Anong oras na oh!" Parang ewan na sabi ko at tinapik tapik pa yung balikat niya.

Gusto niya ng casual, sige, pagbigyan natin baka mamaya e manakawan pa ako ng halik dito, mahirap na.

Patawa tawa pa ako na halata namang pilit habang lumiliko kami palabas ng lobby.

Pilit na pumapasok sa isip ko yung sinabi niya kanina. I-po ko kaya para malaman kung hindi siya talkshit? Baka mamaya puro hangin lang 'tong lalaking 'to e. Char

"How about we eat first?" Sabi niya while driving and his eyes were pointed straight to the road.

"Kayo po ba-" I trailed off nang magtapon siya ng masamang tingin sakin. "Ikaw bahala." Sabi ko nalang habang tumatango tango.

Lately, yung mga gusto kong gawin ay hindi ko na nagagawa, katulad ng pagtanggi. Kasi habang dumadaan yung mga araw natututunan kong lalaki lang ang mga bagay kapag tumanggi ako, sa mga ganitong bagay lang siyempre, kung matatapakan naman talaga yung human rights ko abay itatanggi ko buong buhay ko.

"Ano bang gusto mong kainin?" Tanong niya.

As if namang sasabihin ko yung gusto ko e yung nga lang pag tanggi e hindi ko magawa dahil nahihiya ako e.

"Ikaw nalang din bahala." Yun ulit yung naisip kong sagot kaya naman yun yung sinabi ko. Kung sanang exam to sa history de sana marami na akong nasagot kahit imbento. Imbento dahil sino bang may alam ng tunay na nangyari noon? Wala diba?

Pakiramdam ko para kaming mag kausap sa chat tapos mahina yung signal namin kaya may pagitan bago magsalita ulit yung isa.

Simula nung sumakay ako dito ang iniisip ko lang ay kung ano yung pwedeng isagot sa mga posibleng tanong na ibabato ni sir Daniel dahil tuwing kaming dalawa yung nag uusap ay parang job interview ulit yung experience dahil sa dami ng tanong.

Isa kasi yun sa katangian ko na gusto kong mawala. Gusto kong mawala yung takot ko sa pakikipag usap. Hindi ko kasi kayang makipag usap, kahit yung mga tanong na tinatanong ko walang kasensense, minsan nga kung hindi ako kakausapin ay walang mangyayaring interaction e, kapag naman may nagtatanong sakin ay hindi ko rin kayang sagutin ng matino kaya naman minsan naiisip ko na baka ayaw ng makipag usap sakin ng mga tao.

Hindi naman sa binababa ko yung sarili ko, pero parang ganon na nga.

Kaya nga nakakapag takang may tatlong lalaking nagkagusto sakin.

Yung isa bored lang kaya nagustuhan ako pero at least ako yung nakita niya.

Speaking of Ivan, nakapag usap na ba sila ni Rhys? Akalain mo yun.

Hindi mo talaga aasahan kung sino sino yung mga nagkakatuluyan e, kasi personally, hindi ko aakalaing papatol si Rhys kay Ivan.

Hindi naman sa pangit personality ni Ivan pero kasi magkaibang magkaiba sila ng pagkatao. Dapat ko narin siguro paniwalaan yung opposite attracts.

Isa pa sa katangian ko ay yung kapag nagsimula akong mag isip, nakakalimutan ko kung nasan ako at kung sino kasama ko. Tulad ngayon, nakalimutan kong kasama ko pala yung isang manliligaw ko, kaya naman nang magsalita siya ay nagulat talaga ako.

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Where stories live. Discover now