Chapter 16

12 1 0
                                    

Secret Admirer


Maaga akong nakarating sa may pub house dahil agad na may dumaang jeep which is super rare mangyari.

Maaga akong nakarating but I am still at the ground floor waiting for Becca dahil nag text siya na malapit na daw siya and wait for her daw so while waiting, I have decided to grab some coffee dahil hindi parin ako mapakali dahil kay Ivan.

Like seriously? He seems so mad, ni hindi ako hinatid. Hindi naman sa demanding but that means a lot because hindi niya ako ginulo kanina which is very not him. I should be happy right? Hindi niya sinimulan yung araw ko ng may inis but I don't know why it makes me feel so bothered.

Ayoko ng may galit sakin for the record. Tanimera lang ako ng galit pero pag sakin ginawa ay ayaw na ayaw ko.

And here I am, buying cold coffee as if hindi ako halos patayin nung lakas ng tibok ng puso ko kahapon dahil kay Allen and hindi ako pinatulog dahil sa sinabi naman ni Ivan.

Nice.

Parang wake up call lang. 'hey poor ass, you're bithday's over. Wala ng special treatment. Back to normal, stressful life.'

I am on the counter waiting for my order when I noticed something, no, I noticed someone. Nasa kabilang counter siya and he is not looking at my direction kaya naman hindi niya ako nakikita.

He is wearing a cap and shades and a mask, kaya naman hindi ko siya nakilala but what caught my attention was the cup of-I assume-coffee that he was holding.

Dahil may lahing lawin ako na namana ko sa mama kong retired agila, ay tanaw ko yung maliit na note na sinulatan niya kanina at pinakat dun sa may coffee and kung hindi ako nagkakamali ay pangalan ko yung nandodoon dahil nakita ko yung sh sa dulo. Asuuming na kung assuming pero malakas yung kutob ko na sakin yun. Madalabg magkamali ang kutob ng babae. He seems familiar though.

Parang kilala ko yung height and tindig niya.

When he started walking away ay saktong hindi parin ready yung order ko, ang galing diba? Pero mamaya ko na iisipin yon at mabilis ko siyang sinundan.

Not trying to be assumera, I keep my distance from him, sa katunayan naririnig ko yung yapak niya sa sobrang layo ko.

Not trying to be assumera but trying to be a ninja ay nagtago ako sa bawat kasuluksulukan nang mga haligi nitong building everytime he is turning.

Hanggang sa makarating ng elevator ay hinintay ko siyang makapasok sa loob bago ako sumakay sa katabing elevator. Pag nagkataon magkakasabay pa kaming lalabas but I am sure mauuna siya because nauna siyang sumakay.

Nang makarating sa floor ng pub house ay dahan dahan akong lumabas sa elevator at kung tatamaan ka nga naman ng swerte, nakalagpas na siya and he is now pumapasok sa mismong pub house. Unti unting nagiging tama na ang kutob ko. Malakas yung pakiramdam ko na siya na nga yon.

My heart is beating so fast pero I am not sure parin. Malay natin sa ibang table pala ilalagay diba? But I am still sweating cold dahil pakiramdam ko isang sekreto nanaman yung malalaman ko. Naks lakas maka pilipino telesrye.

Dahan dahan kong binuksan yung glass sliding door ng house.

And my heart beats faster when I caught him placing the cup of coffee in my desk.


Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Where stories live. Discover now