Chapter 17

11 2 0
                                    

Awkward

"Una na ako, kikunin ko na yung kotse sa lobby."

I am packing my things when Allen walked out of the room. Nauna ding umalis si Becca ngayon dahil may gagawin daw.

Wala kaming pupuntahan, sasamahan lang niya akong kunin yung mga regalo na naiwan ko sa resto dahil sa katangahan.

Habang tumatagal lalo akong kinakabahang umuwi dahil baka galit parin si Ivan.

Hindi ko alam.

Ayoko ng ganong treatment, at least kung sinimulan mong sobrang fc.

Natapos ko yung five illustrations ng ang iniisip ko lang ay kung paano ko babatiin si Ivan. Muka ba kasi ako marunong manuyo?

Tsaka ano ba yun?

Selos?

Marunong lang akong magselos pero hindi ko alam kung paanong pawiin yung selos ng iba. Yung selos ko nga ang tagal tagal kong kinalma tapos ibang tao pa yung kailangan kong kalmahin?

I don't know kung bakit ako nabobother ng ganito. Yung mukha niya kasi talaga kagabi may iba. Sobrang lungkot, naawa ako tapos ako pa pala yung may kasalanan.

Tumanda kasi akong iniisip na huwag seryosohin lahat kung hindi ka sigurado, kasi sobrang sakit nung balik.

Lumilipas yung araw pero hindi parin ako masanay na meron ng Allen at Ivan na nanliligaw, tapos ngayon naki-join yung boss ko.

Hindi ko alam kung pano dadalhin kasi ako 'to, yung babaeng namuhay na sarili lang yung inaasahan maliban sa pamilya.

Yung mga hatid hatid, bulaklak, libreng pagkain, hindi ko alam kung paano ko ite-take kasi hindi ko alam kung normal lang ba o sobra. Para ngang wala lang e

Siguro ang kailangan kong gawin ngayon ay sanayin yung sarili kong dalawa silang nanliligaw.

Dalawa lang, kasi yung isa di pa sure, mukhang mag-iisip muna.

Matapos kong iligpit lahat ng kalat ko ay naglakad na ako papuntang pintuan ng house nang saktong lumabas din sa office niya si Sir Daniel.

Natigil ako sa paglalakad at nagkatitigan kami saglit bago ako palingon lingong naglakad para tignan kung may nakakita nung saglit na tinginan namin. Buti nalang at kanya kanya ng ayos yung mga tao dito kaya walang nakapansin.

Pagkalabas ng house ay nararamdaman kong nakasunod siya, uwian narin kasi talaga kaya siguro ay uuwi siya.

Teka.

Makakasakay ko siya sa elevator!

Oh my gosh.

Para namang nanadya yung mga nangyayari.

Nice.

Eto nga yung kailangan ko ngayon.

Kailangan ko ng awkward moment kasi kulang ako nun.

Note the sarcasm please.

Chapter 17

~Trish~

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Where stories live. Discover now