Chapter 35

6 1 0
                                    

Picture to Burn

"Trish, andiyan si Allen sa baba, bumangon ka na!"

Nabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni mama mula sa labas ng kuwarto ko.

Mabilis kong sinuot ang tsinelas kong pambahay at nagpuyod bago lumapit sa pintuan. Hawak ko na ang seradura ng mapagtanto na bagong gising nga pala ako.

Alas-diyes na ng umaga at malapit ng mag alas-onse. Tanghali akong nagising dahil anong oras narin ako nakatulog kahapon. Halos madapa ako habang nagaapurang pumunta sa banyo at naghilamos.


Bakit ba ako tumatakbo?


Umiling ako at binasa ang mukha bago nagsabon. Baka akala ni Allen ay gustong gusto ko siyang makita. Medyo lang naman.


Nagtotoothrush ako habang inaayos ang mga butones ng damit kong pantulog dahil hindi pala pantay pantay ang pagkakakabit nun. Anong oras kaya nagising yun?

Inamoy ko pa ng minsan ang hininga ko pagkatapos magsipilyo at nang ayos naman na ang amoy ay nagsuklay ako gamit ang mga daliri ko at lumabas na ng kuwarto.


Nakasabay ko pa si Arthur pagbukas ko ng pinto. Dinilaan ko siya pero inirapan lang niya ako at nauna ng bumaba sa hagdanan.

Ang suplado talaga nun.



Nasa hagdan palang ay tanaw ko na si Allen na deretsong naka upo sa may couch namin habang kausap sila mama't papa. Mukhang hindi naman ganun kaseryoso yung pinaguusapan nila dahil nagtatawanan pa sila.

Katabi ni Allen si mama at may tinitignan silang dalawa habang tumatawa. Bidang bida si mama dahil siya ang naglilipat nung tinitignan nila at may tinuturo turo pa.

Mukang nageenjoy din yung isa dahil sa kada lipat ni mama ay natatawa siya.

Si papa din ay nakikitawa sa kung anong mang tinitignan nila.

Ano ba yung tinigtignan nila?

Sinadya kong hindi gumawa ng ingay sa pagbaba at mukhang kahit gumawa man ako ng kahit na anong ingay ay hindi din nila mapapansin dahil aliw na aliw silang lahat.

Pumuwesto ako sa tabi ni mama at sinilip yung tinitignan nila hanggang sa nanlaki ang mga mata ko at pabiglang inagaw yung hawak ni mama.

"Trish, ano ba!?" Galit na hiyaw ni mama at sinubukan pang hilahin yung photo album pero mabilis kong tinago yun sa likuran ko. "Pinapakita ko lang sa kaniya yung mga pictures mo!"

Tumayo na siya para bawiin yung photo album pero maagap akong umatras para iiwas iyon sa kaniya.

Muryot na muryot akong nagkamot ng ulo. "Bakit pinakita niyo, ma?" Busit kong tanong at masamang tinignan si Allen na tumatawa kanina pero mabilis ding nagtikom ng bibig pagkatingin ko sa kaniya.

"Ang oa mo ha, hindi ka naman mamamatay pag nakita niya yung mga picture mo e." Sabi ni mama. "Amina na."

Hindi na niya sinubukang agawin, naglahad nalang siya ng kamay at pinanglakihan ako ng mata. Ang daya, dinadaan niya sa pagkananay.

Kinagat ko ang pangibabang labi para pigilang magsalita dahil baka ano masabi ko. May mga hubo't hubad akong picture dito nung bata ako. Merong kutod na bangs na ako ang gumupit, bungi na ipin, at iba't ibang weird na mga bagay na ginawa ko nung bata na imbis na bawalin ay pinipicturan lang nila mama.

"Cute naman e."

Binalingan ko ng masamang tingin si Allen nang sumabat siya kaya naman muli niyang itinikom yung bibig niya.

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Where stories live. Discover now