Chapter 2

61 3 0
                                    

Moving on Lesson 101 with Trish

Pinagtagpo sila ng panahon, ngunit pinaglayo ng pagkakataon. Naamin niya na ang kaniyang gustong sabihin pero pagka-kaibigian ang natapos noong gabi. Pero may dumatin, sana ang dulot naman ay hindi na sawi.

Isang gabi, higit sa limang oras na pinagsamahan. Ano kaya ang kakalabasan?

Part 2

~Trish~

Tanaw kita mula sa kinauupuan ko. Masigla ang iyong mga mata at tumatawa ka sa harap ng kaibigan ko.

Pusang serendipity. Bakit ayaw makisama? Ginawa ko naman lahat. Actually more on umasa sa lahat.

Kung lahat ng magpapalakad kay Rhys ay ganon ang gagawin, tae nayan, baka matuyo yung mata ko sa pag iyak.

Si Rhys na walang ginagawa, si Rhys na kasama ko lang pero himalang nahuhulog sa kaniya lahat ng lalaking nagugustuhan ko. Putek. Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?

Hindi naman ah?

Nakita kong naglakad kayo palayo. Ang sweet niyo. Nakakabusit.

Gusto kong maging masaya para sa inyo, pero hindi ko lang talaga kaya sa ngayon.

Isang taon makalipas nung year end party ay lumayo ako sa inyo. Baka kasi makasagabal pa ako. Binalik ko yung kuwintas sayo tsaka ako tumakbo.

Pinili kong umuwi nalang nung gabing yon kasi masyado ako nasakatan sa sinabi mo.

Kung siya pala yung liligawan mo bakit sakin mo pinakita lahat ng sweetness mo?

Babae lang ako...

Tao lang ako na gusto ng pagmamahal...

Yung pagmamahal na katulad ng ipinakita mo. Kaya ngayon ang hirap hirap mag move on.

Hindi gumana yung 11:11 sakin, hindi gumana yung Shooting star sa aking mga hiling. Kaya ayon. Boom! Wala ka na sakin.

Nagpabago ako ng buhok. Nagpagupit ako ng pixie cut at pinakulayan ko ng red. Para astig. Tapos nung graduation umamin ako sayo. Umasa akong pagbibigyan mo ako sa huling pagkakataon.

Pero para lang akong tanga na pinamunas yung toga ko ng luha sa harap mo. Akala nilang lahat umiiyak ako kasi ayoko silang mawala, di nila alam na umiiyak ako dahil sa putspang pagibig na ito.

Eto ba yung pain of falling in love?

Kasi yung sakit parang hindi naman galing sa pagkakahulog e.

Yung sakit parang galing sa hindi pagkakasalo.

Antaas kasi ng hinulugan ko. Ayon umasang may sasapo. Yung catcher naman na inaasahan ko eh iba yung sinalo, kaya durog ako.

Sabi ko sa sarili ko hindi kita iiyakan, sabi ko sa sarili ko manonood lang ako ng batibot mawawala na yung sakit kasi parang tanga si kiko matsing. Pero bakit ayaw maalis?

Hanggang ngayon nga habang nakatulala ako sa may department namin ay nalalasahan ko yung luha ko e. Cupid, why so tanga naman sa pagpana? Dahil ba lagi kong katabi si Rhys kaya nalihis yung pana mo? O sadyang sila lang talagang dalawa yung para sa isa't isa at tulay lang ako?

Hay.

Sana all nakakatawa. Gago ka rin pala e! Paasa masyado! Kala mo guwapo. Medyo lang naman.

"Hoy, yuko!" Pero sino bang niloko nito? Paano ako yuyuko kung yung bola tumama na sa ulo ko.

Natumba ako.

Sa pag pikit ko ay nakita ko yung isa pang gagong tumama sakin.

Gagong guwapo.

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz