Chapter 39

15 1 0
                                    

His Family

Tumitingin tingin ako ng mga bagong brush, paints at mga canvas sa may nbs ngayon. Ayoko ng umorder through online dahil nabubudol ako.

Actually, saktong fifty frames yung ie-exhibit ko dapat last week pero hindi umabot sa final cut yung pito dahil pangit yung quality ng canvas. Sobrang nipis at for some reason ay nagfefade yung kulay nung paint kaya nadala na ako.

Birthday ko nanaman next week. Tatanda nanaman ako.

Pakiramdam ko kahit papano ay nahahabol ko na yung edad ko.

Malapit ko ng mabayaran ng buo yung condo, nakapagexhibit na ako. Kung mamamatay man ako ngayon, ayoko parin haha. Alam kong marami pa akong magagawa.

Bumalik yung lakas ng loob kong libutin ang buong mundo. Pakiramdam ko makakaya ko naman five years from now, pag may shop na ako at malaki na ang kita sa pagpipinta.

"Sabi ko kasi sayo dun ka nalang sa alam kong shop bumili ulit." Sabi ni Daniel na nasa kabilang side ng shelves, tumitingin sa listahan ko. "Hindi kumpleto dito."

"Masyado ngang mahal don, tapos halos pareho lang ng quality sa nbs." Sabi ko habang namimili ng iba't ibang shades ng pintura. "Sinabi ko naman kasi sayong 'wag mo na akong samahan, naiinip ka tuloy."

Dun kasi sa shop na pinagdalhan niya sa akin ay sobrang mahal ng mga gamit. Natuwa naman ako dahil magaganda nga yung quality pero pakiramdam ko hindi ako sanay sa mamahaling mga gamit kaya nung gumagawa na ako ay nanginginig ang kamay ko sa kaba na baka magkamali. Tapos yung mga ginawa ko pa sa mga binili ko doon yung mga hindi nabili.

Sumimangot siya at humaba ang nguso. "Hindi ako naiinip, hindi lang talaga kumpleto dito." Pagdadahilan niya.

"Hanap nalang tayo sa ibang shop." Sabi ko.


-

"Oh." Inabot niya sa akin yung hiniwa niyang steak at pinalit yung platong nasa harap ko.

"Bakit ba pilit mo akong ginagawang sanggol?" Tanong ko at pabirong umirap.

He's been doing this. Kaya si Becca lumalayag yung ship dahil sa ginagawa niya.

"Kaya si Becca kung ano anong iniisip satin." Sabi ko pa.

Mahina siyang tumawa habang umiiling. "Hayaan mo siya, inggit lang 'yon." Sabi niya at nagsimula narin sa paghihiwa ng steak niya.

Bumuntong hininga ako. "Wala namang meaning 'to diba?" Tanong ko. natigilan siya at nagangat ng tingin sa akin. "You're just being a good friend, right?"

Natigilan siya saglit bago ngumiti at tumango.

"Sure." Sabi niya.

Good. Buti nang malinaw sa parehong side dahil baka mamaya ay lagay nanaman ako ng lagay ng meaning sa mga ginagawa niya.

Sinandok ko yung gulay sa gilid ng plato ko at nilipat sa plato niya. "'yan, sayo nalang." Sabi ko at tumawa.

"Kumain ka nga ng gulay minsan." Sabi niya habang umiiling na nakatingin sa akin.

I gave him a peace sign and crinkle my nose.

Chapter 39

~Trish~

"Kita nalang tayo bukas sa house." Sabi ko pagkababa ng sasakyan niya.

Nasa harap na kami ng bahay, kakauwi lang galing dun sa shop na pinagdalhan niya sakin last time. Napilit din niya ako dahil kulang din sa nilipatan naming shop sa mall kanina.

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora