Chapter 32

9 1 0
                                    

Meant to be?

"So, kailan mo sasagutin?"

Tanong iyon ni Becca.

Nasa loob kami ng mall ngayon, sa may Blue Magic at tumitingin ng puwedeng pangregalo.

"Hindi ko alam, hindi ko parin naman sure kung dahil lang sa selos ay sasagutin ko na siya." Sabi ko habang sinusuri yung cute na alkansyang panda.

"Sayang si sir no?" Tinignan ko siya at tumabi naman siya sa akin at kumuha ng isa pang alkansya na baboy naman, mukang set 'tong alkansya dahil yung susunod ay ibon naman ang design. "Bakit di mo nalang sagutin pareho?"

Gusto kong ikaltok sa kaniya yung hawak ko kaso nakita ko yung price kanina at hindi ko kayang bayadan yun, lalo na't mababasag lang dahil sa nainis ako, kaya ko pa namang tiisin.

Inirapan ko siya at ibinalik na yung hawak bago ko pa tuluyang ipukpok sa ulo niya iyon. "Para kapag nagloko yung isa, may reserba ako?" Sabi ko.

Ngumiti siya ng malawak at tsaka ako binigyan ng thumbs up. "Tumpak! Bakit ka mahihirapang pumili kung puwede naman both? Sabi nga, there are so many fish in the ocean, kaya bakit ka kukuha ng isa?"

Natawa ako sa sinabi niya. Anong utak ba meron siya, bakit ganyan siya mag-isip?

"Ay sabagay..." Nilingon ko siya nang putulin niya yung sasabihin niya. Nakangiti siya sakin at hindi ko alam pero parang may puso siya sa mga mata niya. "Nakapili ka na nga pala." Sabi niya at humagikgik bago ako sinundot sa tagilirian kaya napaatras ako ng bahagya. "Sagutin mo na kasi." Dugtong pa niya habang patuloy lang sa pagsundot, ako naman ay patuloy lang sa pag atras at pagiwas sa daliri niya. Para na kaming ewan na nagsusundutan dito.

"Ano ba?" Pinalo ko ang kamay niyang palapit. "Hindi naman siguro siya nagmamadali." Sabi ko at naglakad na palabas ng shop, bago pa kami may mabasag dun.

Nilagpasan niya ako at paatras na naglakad, kaya nakaharap siya sakin. Pinaningkitan niya ako ng nata at saka dinuro. "Nagpapahard to get ka ba para makaganti ka?" Tanong niya at lalong naningkit ang mga mata.

Kinunutan ko siya ng noo at umiling. "Wala na 'yon sa'kin."  Sabi ko. "Matagal na na nangyari kaya kinalimutan ko na."

Sumabay siya sa akin sa paglalakad at humarap na sa dinadaanan. "Ang galing no? Parang kayo talaga yung nakatadhana sa isa't isa?" Nilingon ko siya saglit ng may nagtatanong na tingin. "Kasi biruin mo, ilang taon yun, kung ako yun tapos ay ganon ako kaguwapo, baka hindi ako mababakante." Sabi niya.

Hindi ako sumagot, napaisip ako sa sinabi niya.

'Kami talaga'?

Bahagya akong napangiti dahil sa naisip.

Chapter 32

~Trish~

Lumabas kami ng mall na ang dala ay chocolates, junk foods at mga litro ng softdrinks dahil napagdesisyonan naming dalawa na mag Harry Potter Marathon nalang sa may unit ko dahil hindi naman kami nakabili ng regalo. Next week ay Year end party na namin tapos ay tatlong araw na walang trabaho magmula December 24 hanggang December 26. Nahiya pa, hindi pa sinagad hanggang new year.

Ngayon nalang kami nagkasama ni Becca kaya ngayon ko lang naikuwento sa kaniya yung nangyari sa elevator kaya hindi na mainit ang chika, pero sabi niya ay tumatanggap nama. siya kahit malamig kaya sinabi ko na din.

Nagbabatian naman na kami ni sir Daniel. Hindi katulad ng dati na nilalapitan niya talaga ako pero at least ay ngumingiti na siya pabalik kapag nginingitian ko siya.

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora