Chapter 49

14 1 1
                                    

In Slow Motion

I sent text messages soon as I opened my eyes early in this morning.

I greet every single soul I know a merry Christmas, at si Daniel pa lang ang nagrereply.

Naligo na rin ako because may biglaang meeting sa may house. Nakakaloka, paskong pasko magtratrabaho ako.

May problema ata sa isang book, nawala yung isang chapter. And buti na lang ay hindi pa nakagawa ng maraming copy kung hindi ay matitibag na ang buong building sa galit ni sir. Soft copy pa lang naman eh. Nagpatawag lang ng saglit na meeting for some reason.

"Ma, alis na ako!"

"Anong oras kang uuwi?"

"Maaga lang ma, wala kaming lakad ni Allen ngayon." Sagot ko sa tanong niya at tumango siya bilang tugon. "Bakit?"

Kasi kadalasan ay hindi naman niya tinatanong kung anong oras ang uwi ko. Basta ang mahalaga ay umuwi ako.

Siningkitan ko siya ng mata nang nag-iwas siya ng tingin at tumawa ng halatang peke.

"Sige na, umalis ka na para maaga kang makarating sa trabaho mo."

Sabi niya at tinaboy ako palabas ng bahay. Hindi na ako nanlaban kasi nawiwirduhan talaga ako sa kaniya. Nung isang araw ay umiiyak siya, tapos kagabing Noche Buena ay muntik muntik din siyang umiyak, pinipigilan lang ni papa.

Nakakapgtaka kasi hindi naman na nagpleplay yung miracle at cell no. 7 nun pero bakit siya umiiyak.

Sabi niya ay tears of joy lang daw. Masaya siya para sa amin ni Allen dahil once again aya magkatabi kami sa hapag ng Noche Buena.

Mama ko, tumatanda na talaga. Nagiging emotional na masyado.

Natouched ako siyempre pero ang weird pa rin niya ngayong umaga.

Ngayon na rin yung start ng deal namin ni Allen na huwag magkita.

Oo huwag magkita pero hindi sinabing hindi din mag-uusap kahit sa cellphone lang.

Nagising ako kanina ng wala siyang goodmorning.

Hanggang nakatapos akong maligo at kumain ay wala pa rin.

Kaya medyo bad mood ako kaninang bumaba eh, nawala lang nung napansin kong ang weird ni mama.

Siguro ay may binili nanaman 'yung kitchen ware tapos ay hindi alam ni papa.

Nakasakay na ako ng motor papuntang paradahan ng jeep nang makapa kong wala yung wallet ko sa bag.

Last night kasi ay binigyan ko ng pera si mama, hindi na ako nakabili ng regalo kaya pinera ko na lang. Ayaw pa nga nilang kunin nung una but I insist. Tapos ko naman ng bayaran yung condo ko kaya makakapagbigay na talaga ako.

"Manong puwede pong pabalik ako? May nakalimutan lang po." Sabi ko at agad din naman iyong iniliko ni kuya.

Pakiramdam ko ay minumura na ako ni kuya sa isip niya dahil ang layo na namin tapos ay pinaliko ko pa.

Baka mamaya mahalan ako ng singil nito ah?

"Saglit lang po." Paalam ko pagkaparada niya sa harap ng bahay namin at tumakbo na papasok.

Kinakalkal ko pa rin yung bag ko ng maayos dahil lagi naman talagang hindi lang makapa yung wallet ko pero andodoon.

Hindi na ako kumatok at derederetso nang pumasok.

"Ma, nakita mo ba yung wallet-"

Natigil ako sa pagsasalita pag-angat ko ng tingin mula sa hinahalukay na bag.

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Where stories live. Discover now