Chapter 14

15 1 0
                                    

Happy Birthday!

"Iniwan niyo ako kagabi!" He started. At halatang wala siyang balak tumigil sa kakabunganga. "Para akong tanga na pabalik balik kahapon sa resto tsaka sa 7/11 para tignan kung andun kayo pero di ko kayo nakita! San ba kayo nagpunta?"

Hindi ako makasingit sa sobrang bilis niyang magsalita. Para siyang si mama na dumadakdak dahil ginabi ako ng uwi.

Oo nga pala. Kasama nga pala namin siya kagabi.

"Sorry, medyo nadala lang sa usapan."

I saw him mimicking what I said kaya naman hinampas ko sa kanya agad yung hawak kong suklay. Pag taas ng kamay niya para sanggahin yung pangalawang palo ko ay tsaka ko lang nakita na may dala siyang paper bag na pink.

"Ano yan?" Tanong ko habang sinisilip yung may kalakihang paper bag na tinatago niya sa likod niya ngayon.

"Batcha. Ang tanga tanga, nakita ng paper bag." Bulong niya na akala mo naman ay di ko narinig.

"Alam mo, ang cute mo eno?" Agad na nagbago yung yamot na ekspresiyon niya sa isang malawak na ngiti.

"Ngayon mo lang narelaize?" Sabi niya habang kumukurap kurap. Kasuya. Pwe.

"Ngayon lang ako nagsinungaling." Hahayaan ko bang sa kanya mapunta ang huling halakhak? Bumalik tuloy yung simangot niya kanina. Cute naman talaga siya e. Wag lang purihin dahil lumalaki yung ulo. Sa taas. Wag green minded. "Any way, kung wala ka ng sasabihin, makakaalis ka na dahil may pasok ako."

"Grabe, ala man lang pampalubag loob sa pag-iwan sakin kagabi." Bulong ulit niya ngayon ay habamg nakatakip ang palad sa labi. "Oh!"

Grabe!

Muntik na niya akong masuntok sa muka ng itaas niya yung kamay niya na may hawak nung paper bag. May galit ba talaga sakin to?

"Ano ba? Muntik mo na akong masuntok ah!?"

"Kunin mo na kasi bilis!" Isinusbsob pa niyang lalo yung kamao niya sa muka ko kaya naman napaliyad ako. Grabe, buti nalang matngkad tong isang to, kundi kanina pa ako may black eye.

"Ano ba kasi to?" Inabot ko yung hawak niya at sinuri yon, naka stapler pa ng sobrang dami sa taas kaya safe na safe. Parang volt ni Bellatrix.

"Happy Birthday."

Natigil ako sa pag aattempt na matanggal yung staple at humarap sa kaniya dahil sa narinig.

"Birthday ko?" Kinunutan ko siya ng noo at inalala kung anong petsa ngayon. Shemay, October 6 pala ngayon. Birthday ko nga! "Paano mo nalaman?"

Nakalimutan ko pati araw ng pag iri ng bonggang bonggang ng aking mother dahil sa dami ng nangyayari nitong nakakarang araw. Bakit niya alam na birthday ko ngayon?

"Nagnotif sa facebook hehe." Yumuko siya at nagkamot ng batok.

Hindi ako sumagot at nilapit ko yung distansiya naming dalawa so I can hug him.

"Grabe ka, tsansing to ah?" Natatawang sabi niya at bahagyang nag squat para mayakap ko siya ng maayos.

"Thank you so much for reminding me of my birthday!"

Shemay. Ayokong umiyak pero naiiyak ako.

Paano ko nakalimutan yung birthday ko? Too much stupidity.

"Naku wala yun-" I cut him.

"No, nakalimutan ko kasi na birthday ko ngayon." I laughed and wipe my tears, agad naman niya akong inabutan ng panyo. Gosh, sayang ang tint. "And you don't know how much this means to me, thank you."

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora