Chapter 41

12 1 0
                                    

Hangover


The night is still young. Alas onse palang ng gabi at wala pang sign ng pagsuko sa mukha ng mga kasama ko. Ang iba ay nakihalo na sa mga taong nagsasayaw sa dancefloor at ang iba naman ay nagstay katulad ko sa taong mahal nila pero sinaktan naman nila. Char. Ang iba ay nagstay sa couch namin at pinagpatuloy ang inom.


Saludo ako sa mga matataas ang alcohol tolerance sa katawan. Ako lahat ng nakikita ko ay nadodoble na dahil sa hilo, pero nasa wisyo pa naman.



"Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?"


Tinignan ko ang nagtanong na si Daniel sa tabi ko pagkaagaw niya ng baso sakin.

Sinimangutan ko siya at sinubukang kuhanin yung baso pero inangat niya iyon.


"Sasakit yung ulo mo bukas." Sabi niya.

"Ang kj mo naman, sir." Sabi ko at pabiro siyang binundol gamit ang balikat. "Amina na, minsan lang naman e."


Inabot ko pa ng minsan yung baso pero hindi parin niya binigay kaya lumuhod na ako sa may couch para makakuha ng magandang buwelo.


"Amina na, kasi." Sabi ko ng nilipat niya iyon sa kabilang kamay niya.

"Your father told me to bring you home sober." Sabi niya at pilit paring nilalayo yung baso sakin.


Sobra akong nakafocus sa pagabot ng baso kaya hindi ko namamalayan na sobrang lapit na naming dalawa.


Sobrang nahihilo nadin ako dahil siguro sa pag galaw kaya nang sinubukan kong tumayo ay natumba ako sa kaniya na dahilan ng pagkakahiga niya sa couch habang nakapatong ako sa kaniya.

Para niyang sinisilip yung kaluluwa ko sa paraan ng pagkakatitig niya sa mga mata ko. Kahit na sinusubukan kong ifocus ang sarili ko ay hindi ko magawa dahil nakatingin lang din ako sa kaniya.

Bumaba yung tingin ko sa labi niya at napalunok ako when he licked his lower lip.

"I want to kiss you." Sabi ko.

Sa pagkakataong ito ay siya ang lumunok habang bumababa ang tingin sa labi ko.

I would probably regret this tomorrow kapag naalala ko 'to but I move closer to him.

Pumikit na ako anticipating what will happen next as I move my face closer.

Chapter 41

~Trish~

"Stop."

Itinulak niya ako ng marahan matapos ang ilang saglit at hindi naglapat ang mga labi namin.

"Who am I?" Tanong niya ulit pagkatapos niya akong inayos sa pagkakaupo.



"Allen." Sabi ko habang nakapikit dahil hilong hilo na ako.


I heard him sigh.

"Silly." Sabi niya kaya sumimangot ako.

"Bakit? You don't want my kisses?" Sabi ko at ngumuso.

He laughed a bit. "I want to kiss you." Sabi niya. "And I wish I can be him." Bulong pa niya pagkatapos.


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Why?" Tanong ko.

Bumuntong hinga siya ulit.

"So you can love me." Sabi niya ulit.

Nangiti ako dahil kinilig ako sa sinabi niya. "But I love you." Sabi ko ulit at ipinatong ang mga kamay ko paikot sa balikat niya. "I love you so much."

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon