Chapter 1

181 7 11
                                    

Kung Sanang Naging Tayo


Pinagtagpo sila ng pagkakataon, sa panahon ng kawalan ay nahanap nila ang isa't isa, sa panahon ng kalungkutan ay sumaya ang mga puso nila. Ngunit paano siya aamin? Paano niya gagawin ang pag aming alam niya na sa dulo ay, makakasakit sa kaibigan niya?

Part 1

~Trish~

Nakita kita sa malayo, pinagmasdan lang kita ng matagal dahil may naalala ako sa mga mata mo. Napakalungkot. Kagaya ng gusto kong makita sa kaniya.

Yung ilong mo, yung mga labi mo. Magkawangis kayong dalawa. Ngunit yung ekspresiyon ng mga mata mo ay di katulad ng kaniya.

Pagkatapos naming magkasakitang dalawa ay nakita ko ang sulyap ng lungkot sa kaniyang mga tingin, pero ilang araw lang ay napaka sigla ng muli ng kaniya. Buhay na buhay. Parang walang nangyaring nakasakit sa amin.

Nakatulala ka lang ng matagal at maya maya pa ay nagulat ako ng pumatak ang isang tubig sa iyong mata. Nagtuloy tuloy iyon hangang sa yumuko ka. Bigla akong nagkaroon ng ideyang lapitan ka. Gusto kitang damayan sa pag iyak kasi habang tinitignan kita ay umaasa akong ganyan din siya umiyak nung nawala ako.

Pero...

Sinong niloko ko?

Hindi naman ako kaiyak iyak. Himala pa nga ata kung alam niya pa yung dahilan kung bakit kami naghiwalay e.

"Trish!" Narinig kong may sumigaw sa aking likuran. Bago ko harapin kung sino man iyon ay nakita kitang lumingon sa aking kinauupuan. Bigla akong nahiya dahil nakita mo akong nakatingin sayo. "Trish! Tara na, tapos na ang lunch time!"

Tumayo ako at sumama kay Rhys-bestfriend ko. Bago ako makalayo ay binalik ko ang tingin ko sayo at nakita kong nakatingin ka parin sa akin. Nagtama ang paningin nating dalawa.

Isang hudyat, isang pangungusap na nagsasabing-'pag-nagkita tayong muli ay sisimulan na natin ang ating kuwento.' Isang tingin.

Isang sulyap na nasundan ng marami pang pagkurap nating magkasama.

Tinupad ni serendipity ang hiling ko. Siguro ay tumulong din si kismet at destiny para mapatibay pa ang will kong makikilala ka ng husto.

Nakilala kita.

Biyernes ng hapon, sa tindahan nila ate Flor, sinong mag aakalang ang hilig mo ay katugma ng hilig ko?

Gusto mo ang pag-susulat, gusto ko ang pag kuha ng larawan. Pagkuha ng picture ng mga bagay na sa tingin ko ay may kakaibang kahulugan.at gusto ko ang graphics design.

So maybe You can right our Love story and I will illustrate it.

Ipapakita ko sa lahat kung gaano ako kaswerteng ako yung nagbigay ng kulay sa mga mata mo.

"Nung araw na una tayong nagkita." Kausap kita isang araw kila Ate Flor. Kasama rin natin si Rhys na tahimik na naka earphones kaya naman nagkaroon ako ng lakas ng loob para magtanong sayo. "Bakit ka umiiyak?"

Nung mga oras nayon, kinakausap ko din ang sarili ko. Naka cross ang dalawang daliri, mabilis ang tibok ng puso, pinagpapawisan.

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Where stories live. Discover now