Chapter 31

9 1 0
                                    

Closure

Ilang minuto na akong nakayuko sa desk ko habang nakaharap sa pintuan ng office ni sir Daniel.

Naglalaro sa isip ko yung sinabi ni Becca nung isang araw.

It's been a week already since she said that, and I don't know kung ilang weeks pa ang lilipas before I can confront sir because of that.

He is not cooperating either. Ganun padin sa tuwing sinusubukan kong kausapin siya ay umiiwas siya. Hindi ko na nga alam kung pano siya iaapproach tapos umiiwas pa siya pag nagkakalakas ako ng loob.

Ang dami kong iniisip, I am running out of energy dahil sa trabaho at sa mga bumabagabag sakin. Nakalimutan ko na ngang malapit na magpasko dahil sa mga iniisip ko.

Patuloy lang ako sa pag spespace out when the door to his office opened and pop him out kaya naman naderetso ko yung upo ko at nagkunwaring may gianagawa.

Sinilip ko siya sa gilid ng mga mata ko at bumuntong hininga nang makitang naglalakad na siya palabas ng house.

Lagi rin siyang umaalis nitong mga nakakaraang linggo, may usap usapan na may iba ng nililigawan and I don't know kung bakit pilit nila akong tinatanong kung ayos lang ako. Kung hindi man ako ayos ay dahil yun sa naging way ng pageend namin ng kung ano man yung meron samin. Hindi ako magpapakabitter sa ganun, gusto ko lang yung maliwanag samin pareho yung nangyari because as days go by na di ko alam kung ano ang totoong rason kung bakit siya lumayo ay lalo kong nararamdamn na napaka worst kong tao.

I just want to clarify things between us, not as nagliligawan, but as friends.

Kasi kahit saan palikuin, ako lang yung may kasalanan ng lahat. Ganon yung tingin ko, ganon yung tingin ng lahat ng nasa loob ng house.

I sighed at tumayo para bumili ng coffee, gabi narin, and nagovertime ako dahil may hindi pa ako tapos na illustration na dpaat ay ngayon ang deadline. Marami naman kaming nag-ot kaya ayos lang, kaso wala si Becca dahil may aasikasuhin daw. Lately ganun siya, mabilis tinatapos yung work tapos ay naguundertime, nanonotice narin siya ni sir at ilang beses na siyang pinatawag dahil don.

Nagiging secretive narin siya about sa mga nakakadate niya, pakiramdam ko ay nakahanap na ng katapat yung isang yun.

"Eto po yung bayad." Inabot ko sa nagbigay ng coffee ko yung buong 100 pesos at umalis na ng sinuklian niya na ako.

Pagkasakay ko sa elevator ay nakayuko ako habang nagcecellphone kaya hindi ko na napansin na may sumakay pala at nasa tabi ko ngayon. Nakita ko lang yung sapatos kaya nalaman kong may tao. Nakaharang din ang buhok ko sa muka ko kaya hindi niya rin ako makikilala, ayos na yun, dahil kung kilala ko man to ay wala ako sa mood makipagkuwentuhan ngayon.

I am intentionally ignoring him pero naagaw niya yung atensyon ko dahil sa pilit niyang pag pindot sa may elevator button at apura ang angil niya kaya nag angat ako ng tingin para makita kung sino iyon.

Nakatalikod siya sa akin kaya pasimple kong iginilid ang katawan ko para masilip ang mukha niya. Gigil na gigil kasi sa may pindutan.

Nang makita kung sino iyon ay una kong naisip na hatakin siya at ikulong sa mga braso ko sa may pader para hindi na siya makaiwas ulit pero malaking bulas siya sakin kaya hindi ko iyon magagawa kaya tinawag ko nalang siya na parang gulat na gulat.

"Sir?"

Wala ka ng kawala ngayon.

Chapter 31

~Trish~

My mind automatically flied backwards sa mga sinabi ni Becca nung isang araw.

Kung Sanang Naging Tayo (COMPLETED)Where stories live. Discover now