Chapter 40: Those Unsaid Feelings

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad silang tumango, at niyakap nila muli ako. Lumapit na rin sina Ervin at Vince sa amin pagkatapos.

“Siyempre hinding-hindi ka namin makakalimutan Naomi. Ikaw pa.” Paninigurado ni Ervin.

“Oo nga naman.” Dagdag ni Vince, may malaking grin na nakalapat sa mga labi niya. “Basta tandaan mo, dalhan mo kami ng pasalubong pagbalik mo ah.” Pagbibiro pa niya.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang marinig ko ang mga sinabi nila, at tumango ako sa direksyon nila. Mamaya-maya’y muli akong tinawag ni Zack, kaya bumitaw na ako kela Ericka at Summer at tumungo papunta sa kotse.

“Bye guys.” Ang huling paalam ko sa mga kaibigan ko bago pumasok sa loob.

“Bye Naomi!” Narinig kong sambitin nila, at tumingin ako sa side window para kawayan sila.

Nang makalayu-layo na kami ay sumandig ako sa kinauupuan ko at nagbuntong-hininga. Wala pang isang minuto ang lumipas nang biglang nagring ang cellphone ko, at agad kong kinuha yun mula sa handbag ko at sinagot ang tawag.

“Hello.” Sabi ko.

“Naomi.”

Agarang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Luis.

“L-Luis?” Ang gulat na gulat kong sambit, halos hindi makapaniwala.

Narinig ko ang madaliang pagtawa niya sa kabilang linya.

“Surprised?” Tanong niya, pabiro ang tono.

“Yeah. I guessed.” I flushed. “Nga pala, bakit ka napatawag bigla?” Dagdag ko.

Hindi siya agad na nakasagot, at natagal-tagalan bago siya nagsalita muli.

“I just wanted to say goodbye.” Ang matipid na sagot niya.

Nang di inaasaha’y may namuong maliit na ngiti sa mga labi ko.

“I hope that we’ll see each other again.” Sambit ko.

“You’ll come back again, right?”

“Yup. Siguradong-sigurado yan.”

“Good. Well, I guess that’s all. Mag-ingat ka sa biyahe ah.”

“Don’t worry, I definitely will.”

There was a slight pause on his line afterwards, a moment of hesitation, a flash of reluctance, na para bang may gusto pa siyang idagdag. Pero sa huli, pamamaalam lang ang ipinahayag niya.

“Sige. Goodbye Naomi.” Sabi niya.

“Goodbye Luis.” Sagot ko naman.

At pagkatapos nun ay pinutol na niya ang tawag. Tinitigan ko nang ilang sandali ang cellphone ko, napapaisip, pero mamaya-maya’y ibinalik ko na rin yun sa handbag ko. Dun ko naman napansin ang box na nakapatong sa tabi ko.

“Zack, ano ‘to?” Tanong ko sa fiancé ko, na siyang nakaupo sa passenger seat.

Lumingon siya at tumingin sa direksyon ko.

“May nagpadala niyan kanina. Para daw sa’yo. Pero hindi na namention ni Ate Cora kung kanino galing.” Sagot niya.

Tumango na lang ako at pinagmasdan ang kahon. Nang makarating na kami sa airport ay inilagay ko yun sa loob ng handbag ko, planong buksan na lang yun pagkapasok namin sa eroplano. Dahil sakto sa departure time ang pagdating namin, madalian kaming nagcheck-in at nakapag-board agad. Wala pang labinlimang minuto ang lumipas ay nakapagtake-off na kami.

Habang nasa flight ay umiglip muna si Zack para makabawi sa mga oras na hindi siya nakapagpahinga dahil sa pagpupuyat lalo na nung mga nakaraang araw. Minabuti ko na ring buksan yung box, tutal wala naman akong magagawa doon sa loob ng isang oras.

Pero nang makita ko ang laman nito ay muling may namuong mga luha sa mga mata ko.

Dahan-dahan kong inilabas ang jewelry box na dating ibinigay sa akin ni Adrian. Kinuha ko ang susing kasama nito at agad itong binuksan. At nang masilayan ko ang nakapaloob doon, pati na rin nang mabasa ko ang maikling sulat na inilagda ni Adrian, ay tuluyan na akong napaluha.

Sa loob ng jewelry box ay isang singsing na hugis-puso, at naka-engrave sa loob nito ay ang mga letrang N at A. Kinuha ko ang maikling sulat ni Adrian at muli itong binasa, na naging dahilan ng mas lalo kong pag-iyak.

Because the letter contained the words that Adrian didn’t have a chance to tell me. The words that were left unspoken. And the feelings that were left unsaid. From two years ago, and even until now.

 

Yan ang puso ko. Sana naman tanggapin mo. Alagaan mo ha? Kasi kahit mukhang matigas man yan, fragile talaga yan sa totoo lang. Tsaka pasensya na talaga kung ngayon ko lang sinabi sa’yo ang mga nararamdaman ko. Sadyang torpe kasi ako eh. Pero please pagbigyan mo naman sana ako. Kasi kahit hindi mo na suklian ang pagmamahal ko, iyong-iyo pa rin ang puso ko.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon