Chapter 6: The New Ally

24.1K 310 17
                                    

 

Naomi’s POV

“Your auditions will be held in the school auditorium tomorrow.” Sabi ni Ms. Pineda sa akin during dismissal period.

Nasa faculty building kami, and classes have ended not so long ago. Nag-uumpisa na ring magsipag-uwian yung ibang teachers. Yung mga natira naman, may tinatapos pang mga lesson plan para sa susunod na araw. Ngayon lang kami nakapagmeet-up ni Ms. Pineda. Hindi kasi kami nakapag-usap kaninang lunch since she was in a meeting.

“Thank you po.” I said and gathered my things.

Tumango siya.

“Oo nga pala. Pwede bang dalhin mo na lang ‘tong mga documents kay Ms. Sarmiento sa Faculty A? Madadaanan mo rin naman yung room nila on the way out diba?” Tanong niya.

I nodded. Inabot niya sa akin yung mga documents. Hindi ko ineexpect na ang sobrang dami pala ng pinapadala niya. Parang himala at nakayanan ko pang dalhin ang mga yun nang walang nahuhulog sa mga kamay ko. Pero ang hirap maglakad habang dala yun. Masyadong madami kasi.

At agad na napansin yun ni Ms. Pineda.

“That won’t do. You’ll need help.” Sabi niya.

“Don’t worry Ma’am. I can manage.” Pilit ko.

She shook her head. Tumayo siya sa desk niya at sumilip sa labas.

“Ah, Mr. Hilario, perfect timing. Can you please accompany Ms. Rodriguez to Faculty A?” Narinig kong tawagin niya.

Mr. Hilario. Oh no. Then that must mean…

Pumasok si Adrian sa loob ng faculty room. Mukhang nabigla rin siya nang makita ako doon. Pero nang mapansin niyang hirap na hirap ako sa mga dala ko, he gave a sigh at kinuha yung kalahati ng mga documents.

“Be careful on your way home, okay? And thank you for taking those for me.” Sabi ni Ms. Pineda habang palabas kami.

Both of us nodded. Nung malayu-layo na kami, agad akong napatingin sa kanya.

“You didn’t need to help me you know.” I grumbled. “I don’t want to owe you any favors.”

I saw him smirk.

“Wag mong isiping ginagawa ko ‘to para sayo. Sinusunod ko lang ang utos ni Ms. Pineda sa akin. Wag kang feeling important.” Asar niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Yeah, right. Kung ganun nga talaga, pwede ka rin namang tumanggi diba? But instead, nandito ka, kasama ko at tumutulong sa akin.” I taunted.

“Tss. Gaya ng sinabi ko kanina, sinusunod ko lang ang utos ni Ms. Pineda. Hindi ba’t bastos naman kung hindi ako susunod sa kanya?” Sabat niya.

I rolled my eyes at him. Nagpatuloy yung debate namin hanggang sa halos lahat ng taong nadadaanan namin, sinasamaan na kami ng tingin. Of course, we ended up ignoring them all the same. Kahit teacher pa man yun.

We were walking down a long flight of stairs nang bigla akong na-unbalance. Buti na lang at nahila agad ako ni Adrian bago pa ako mahulog.

“Okay ka lang?” Tanong niya, alalang-alala.

I took deep breaths and blinked back several times. I looked at him and nodded. Hindi ko namalayang ang higpit na pala ng kapit ko sa kanya. I moved away from him, blushing.

“Thank you for saving me.” I managed to say. Napunta ang kamay ko sa dibdib ko. Ba’t ba ang bilis ng tibok ng puso ko?

“Wala yun.” Sabi niya. “Mag-ingat ka lang sa susunod. Baka kung ano pa yung mangyari ulit sayo. Hindi lahat ng oras may sasagip sayo.”

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon