Chapter 15: Underwater Troubles

16.3K 192 21
                                    

 

Adrian’s POV

 

“Tandaan mo, make one wrong move and you’re dead!” Panakot ni Naomi habang nakaturo sa akin. Pinaghalong galit at suklam ang tingin na ibinibigay niya. Aakalain mong ako yung pinakamasamang tao sa balat ng lupa dahil lang sa titig niya.

Bwiset naman. Ako pa yung pinag-initan kahit kasalanan naman talaga ng nakakainis kong kakambal. Ni hindi ko nga alam na magkakaroon pala ako ng roommate. Malay ko ba na may kasama pala ako sa kwarto! Wala nga akong kaalam-alam sa room assignment na ginawa ni Ericka eh! Tsaka hindi ba’t birthday celebration ko ang weekend na ‘to?! Ba’t ako na naman ang kinakawawa?! At sa lahat ba naman ng taong pwedeng ipares sa akin, bakit pa kasi si Naomi pa?! Pwede naman si Ervin, si Vince o si Luis diba?! Tss. Bwiset talaga. BWISET! Sigurado talaga akong may masamang balak na naman ang demonita kong kambal!

“Tss. Sino namang matatakot sa’yo? Sa ipis palang nga, halos mahimatay ka na!” Pang-aasar ko.

Halatang nauubos na ang pasensya ni Naomi. Namumula na kasi yung mukha niya sa sobrang galit eh. Hay. Ang sarap talagang asarin ng babaeng yun. Pikunin kasi masyado kaya mas lalo ka lang gaganahan. Kaya madalas, gumagaan ang loob ko tsaka natatanggal ang inis ko kapag nakikitang iritang-irita na siya. Sabihin na lang nating stress reliever ko rin siya (kahit siya naman talaga yung rason kung bakit stressed ako in the first place).

“Whatever! Basta’t wag na wag mong susubukang lumagpas sa side mo kundi magkakaroon tayo ng World War III!” Deklara niya, sabay hila sa kurtina na namamagitan sa amin.

Narinig kong may sumarang pinto sa side niya. Mukhang lumabas siya ng kwarto. Buti naman at umalis na rin yung babaeng yun! Ang ingay kasi masyado eh! Hindi ako makakapagpahinga kapag nandito yun.

Humiga ako sa kama ko at sinubukang matulog. Sandaling iglip lang tapos didiretso ako mamaya sa beach. Ang sarap magswimming ngayon eh. Tsaka mukhang hindi naman uulan. Ang tagal ko na kayang hindi nakakapunta ng Tagaytay. Dalawang taon na ata yung lumipas since yung huling pagpunta ko dito. Kung tutuosin, nakakamiss na rin.

Mga ilang minuto yung lumipas pero mukhang hindi na talaga ako makakatulog. Nawala na kasi yung antok ko dahil sa bungangerang yun. Kainis naman oh. Sige na nga, sa beach na lang ako tatambay. Sigurado naman akong nandun na rin sina Vince. Dumiretso kasi sila agad doon pagkatapos nilang ipasok ang mga gamit nila sa kani-kanilang kwarto.

Nakalabas na ako ng kwarto nang mamalayan kong hindi ko pala dala ang cellphone ko. Mukhang naiwan ko yun sa CR kanina nung gumamit ako. Agad akong bumalik sa loob at dumiretso sa banyo. Pero nung pagkabukas ko ng pinto, laking gulat ko na lang nang malaman kong may tao pala sa loob.

Nung una, nagtitigan lang kaming dalawa ni Naomi dahil sa sobrang gulat. Pero nang marealize ko ang sitwasyon naming dalawa, agad kong sinara ang pinto at tumakbo palabas ng kwarto. Hindi ako tumigil hanggang sa makarating na ako sa beach. Pagdating ko doon, hingal na hingal na ako.

Kalimutan mo yung nakita mo! Kalimutan mo yung nakita mo! Kalimutan mo yung nakita mo! Ilang beses kong inulit-ulit sa isipan ko. Pero kahit ilang beses kong gawin yun, hindi ko talaga matanggal-tanggal sa pananaw ko ang nakita ko kanina.

Naglakad-lakad ako malapit sa pampang. Unti-unting naging normal ang paghinga ko. Pero alam kong namumula pa rin ang mukha ko. At hindi yun dahil sa pagtakbo ko kanina.

Ano ba yan. Siguradong magkakaroon na talaga kami ng giyera ni Naomi mamayang magkita ulit kami. Baka mapatay na nga talaga ako ng babaeng yun. Pero kasalanan ko ba talaga yung nangyari kanina? Malay ko ba na nagbibihis pala siya doon? Hindi ko naman intensyong bosohan siya ah! Ni wala nga akong kaalam-alam!

Napatigil na lang ako sa paglalakad nang makita ko siya. Ang malas ko naman! Ba’t ba ang sama ng tadhana sa akin?! Walang awa man lang! Gusto ba niyang mawalan ako ng buhay?!

Plano ko sanang tumalikod at maglakad na lang palayo nang mapansin kong hindi pala nag-iisa si Naomi. Merong lalaking kumakausap sa kanya. Mga halos kasing-edad lang namin. At halatang nakikipagflirt sa kanya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pinuntahan ko sila.

“Sorry pero I really have to go.” Narinig kong sabihin ni Naomi.

“Aw, sige na girl. Hang-out with me for a while. Mag-isa ka lang naman diba?” Pagpupumilit nung lalaki. Bigla niyang hinila yung kamay ni Naomi.

“Pasensya na pero wala akong oras para makipaghang-out sa isang weirdo na katulad mo. Kaya pwede ba, let me go!” Pagmamatigas niya.

“Weirdo? Nakakainsulto ka na ha!” Sigaw nung lalaki. Itinaas niya yung kamay niya para sapakin si Naomi.

Agad ko naman siyang inawat.

“Eh sira-ulo ka rin naman pala eh. Hindi mo ba naiintindihang ayaw nga niyang sumama sa’yo?” Sabi ko habang namamagitan sa kanilang dalawa.

Sinamaan ako ng tingin nung kumag.

“Usapan namin ‘to. Wag kang makisali.” Sabat niya.

Aba, may tapang rin pala ‘tong asungot na ‘to ah. Sige ba. Gusto mo ng away? Wag kang mag-alala, hindi ako tatanggi! Pasensyahan na lang kung mabugbog kita.

“Paano kung ayaw ko?” Hamon ko.

“Bahala ka na lang sa buhay mo!” Sabi nung lalaki, sabay sugod papunta sa akin.

Tinulak ko si Naomi palayo at iniwasan yung atake nung kumag. Ako naman yung sumugod at sinuntok siya sa tiyan. Agad naman siyang natumba.

“Ikaw rin naman pala yung walang binatbat.” Sabi ko. Pinuntahan ko si Naomi at hinila siya paalis. “Dali na nga. Baka kung sino pa ang makasalubong natin dito.”

Tahimik lang kaming naglakad sa pampang.

“Thank you.” Narinig kong ibulong ni Naomi.

Napatingin ako sa kanya.

“Ano ulit?” Tanong ko, nagkukunwaring hindi narinig.

Binigyan niya ako ng isang iritadong ekspresyon.

“Alam kong narinig mo yung sinabi ko kaya hindi ko na yun uulitin!” Sabat niya.

Sumimangot ako.

“Ikaw na nga ‘tong nirescue ko, tapos sisigawan mo pa ako.”

“May karapatan naman ako ah! Binosohan mo ako kanina kaya pwede kitang sigawan kahit kailan ko man gusto!”

“Sino rin naman kasing sira-ulo ang hindi naglock ng pinto sa CR?!”

“Malay ko bang bumalik ka pala ng kwarto! Tsaka pwede ka rin namang kumatok bago pumasok diba?!”

“Pasensya lang kung hindi ko naisip na gawin yun ah! Malay ko bang may tao pala sa loob!”

“Asus! Palusot ka pa eh! Halatang sinadya mo naman talaga yun! Pervert! Mamboboso! Oportunista!”

“Wag ka ngang feeling diyan! Ni wala ka ngang pwedeng ipagmalaki! Flatscreen!”

“Ikaw rin naman ang feeling ah! Tinanggal-tanggal mo pa yang t-shirt mo kahit puro taba mo lang naman yung makikita!”

“Abs ‘to hindi taba!”

“Anong abs?! Aminin mo na kasing tumataba ka na!”

“Hindi mo ba nakikitang six-pack ‘to?!”

“Panakip-butas ka pa! Wala kang kwentang kausap!” Sigaw niya sabay takbo papunta sa dagat. Nagdive siya at sumisid pailalim.

Plano ko sanang sundan siya pero mukhang nakalayo-layo na siya. Kahit kailan talaga ang bilis lumangoy ng babaeng yun. Champion swimmer. Pang-olympics yung bilis.

Nanatili lang akong nakatitig sa dagat. Malakas-lakas na rin yung alon. Pero hindi naman yung tipong delekado na. Basta’t wag ka lang masyadong magpailalim.

Pero nang lumipas ang ilang minuto, may namuong kaba sa dibdib ko.

Hindi pa rin lumilitaw si Naomi.

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now