Chapter 31: My Personal Love Tutor

13.3K 182 21
                                    

 

July 30, 2010

 

Adrian’s POV

“The exams will be held this second week of August from Thursday to Friday. So hopefully, all of you should start studying by this time.” Announce ni Ms. Javier nung homeroom period.

Agad namang nag-ingay ang klase, halos lahat nagbibigay ng kani-kanilang violent reaction. As expected. Lagi namang ganito yung reaksyon ng lahat kapag papalapit na ang exams eh.

Hinintay ni Ms. Javier na manahimik muna ang klase bago siya magsalita muli. Nang kumalma na kahit papano ang lahat ay doon niya ipinagpatuloy ang announcement niya.

“All club activities will be cancelled today and until the next two weeks. So as for the morning subjects, all activities will be changed to study period. Everyone is adviced to study hard and you are all free to go to the library if you want.” Dagdag niya.

Pagkatapos ng ilan pang reminders at announcements ay lumabas ng classroom si Ms. Javier para kumuha ng reviewers para sa klase. Agad namang pinagkumpulan ng mga kaklase namin ang pwesto namin ni Naomi, lahat nakatutok sa seatmate ko.

“Naomi, pwede pa-tutor sa Chemistry?”

“Wag na yan. Sa Geometry na lang!”

“Hindi, sa History na!”

“Ano ba yan. Sa Advanced Algebra na lang!”

“American Literature na!”

Sunud-sunod pa ang mga tutoring requests na nanggaling sa iba pa naming mga kaklase. Nagsiksikan pa ang ilan sa likod, tapos yung iba naman nagdedebate pa sa kung anong subject yung dapat na unahin.

Ako naman, na hindi na talaga makayanan ang ingay, ay agad na lumabas ng classroom para maluwagan. Dumiretso na lang ako sa back garden para tumambay at matulog. Wala na rin naman akong magagawa sa classroom kasi siguradong magiging masiksik at maingay sa pwesto namin. Tsaka wala naman akong balak na mag-aral kaya mas magandang matulog na lang ako.

Parang wala lang talagang pinagbago ang lahat-lahat. Nung mga elementary at middle school students pa kasi kami, laging si Naomi ang nilalapitan ng lahat tuwing darating na ang mga exams. Siya kasi yung pinakamatalino sa batch namin eh. Expected naman yan sa class valedictorian. Tsaka kung tutuosin kasi, mas madaling maintindihin yung lesson kapag siya yung nagtuturo. Kahit papano, nagiging simple yung mga komplikado kapag siya yung nag-eexplain.

Tumambay na lang ako doon hanggang sa matapos ang lunch period. Hindi na nga ako bumalik kahit mag-uumpisa na yung afternoon classes. Wala pa rin naman kasi akong magagawa sa classroom kahit bumalik man ako dun eh.

Umalis na lang ako sa garden para pumunta sa cafeteria nung atakihin na ako ng gutom. Pero nung naglalakad na ako pabalik sa tambayan ko, bigla ko namang nakasalubong sina Vince at Ervin, na madaming dalang textbooks at mga notes.

“Oh Rian. Sa’n ka na naman nagpunta?” Tanong ni Ervin.

“Oo nga. Hindi ka na bumalik ng classroom ah. Natulog ka na lang buong araw noh?” Pang-aasar naman ni Vince.

Pinagkibit ko na lang ang mga balikat ko.

“Tinatamad akong mag-aral eh.” Sabi ko. Pinagtinginan ko naman sila, at tinaasan ko sila ng kilay. “Parang himala naman at nag-aaral kayong dalawa. Akala ko ba wala kayong pakialam kahit bumagsak man kayo?” Paalala ko.

Napabuntong-hininga yung dalawa.

“Alam mo namang sunud-sunuran lang ako ng kambal mo diba?” Sabi ni Ervin.

“Tsaka under-the-saya rin ako kay Summer.” Pahayag naman ni Vince.

Hindi ko mapigilang matawa sa kanila. Talaga kontroladong-kontrolado talaga yung dalawang kumag ng mga girlfriend nila ah!

Sinapak naman ako ni Vince sa ulo gamit ng libreng kamay niya.

“Hay naku Rian. Kung sumama ka na lang kaya sa amin noh?” Reklamo niya.

“Nandoon naman si Naomi eh.” Dagdag ni Ervin.

Ako naman yung napabuntong-hininga.

“Ayoko. Nakakatamad kaya.” Sabi ko, sabay lakad paalis.

“Sigurado ka ba talagang ayaw mo? Kung hindi ka pupunta dun sa library, siguradong walang magbabantay kay Naomi.” Tawag ni Ervin sa akin.

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang mga sinabi niya. Agad naman akong napalingon.

“Magbabantay? Bakit naman?” Tanong ko.

Napangiti yung dalawang kumag.

“Hindi mo ba alam? Kanina pa punung-puno ang library ng mga batchmates natin. At halos lahat, nagpapa-tutor kay Naomi.” Sagot ni Ervin.

“At majority sa kanila, puro mga lalaki. Kahit nga yung ibang grade level nagpapaturo na rin sa kanya eh. Tsaka alam mo naman ang tao diba? Laging sinasamantala ang pagkakataon. Malay mo, may biglang magdamoves dun kay Naomi. Hindi naman imposibleng mangyari yun diba?” Dagdag naman ni Vince.

Bwiset na talaga ‘tong dalawang ‘to. Alam ko namang pampahigit lang nila ‘to sa akin eh. Pero nung na-iimagine ko yung mga sinabi nila, hindi ko na talaga mapigilan yung sarili ko.

Agad akong tumakbo papunta ng library.

Saktong-sakto naman, may naglalakad rin papunta dun na marami ang dala-dalang libro. Nang di sinasadya, nabunggo ko siya at nahulog ang mga dala niya.

“Sorry talaga. Nagmamadali kasi ako eh.” Paumanhin ko, sabay kuha sa mga libro.

“Okay lang.” Sabi naman nung nabunggo ko.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang mamalayan kong si Naomi pala yun. Mukhang nabigla rin siyang makita ako doon.

“Oh Adrian. Nakakagulat naman at pumunta ka dito sa library. May kailangan ka ba?” Tanong niya.

Agad akong nag-isip ng palusot. Bakit nga ba ako dumiretso dito?

Sinabi ko na lang ang unang dahilan na sumulpot sa isip ko.

“Pwedeng magpa-tutor?”

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon