Chapter 32: Study Time is Drama Time

13.4K 187 15
                                    

 

Naomi’s POV

“Panlimang beses ko na ‘tong ineexplain sa’yo. Ano pa ba ang hindi mo maintindihan?!” Halos isigaw ko na dahil sa sobrang inis.

Tiningnan lang ako ni Adrian saglit, tapos itinuon muli niya ang titig niya sa geometry book na nasa tapat ko, hindi man lang apektado.

“Lahat yan.” Ang matipid niyang sagot.

Pinilit ko ang sarili kong kumalma at pahabain ang pasensya ko. Konting tiis lang Naomi. Kumalma ka. Remember, patience is a virtue. Mamaya mo na lang sakalin si Adrian kapag hindi mo na talaga makayanan.

Tinitigan ko siya nang maigi at sinamaan ng tingin.

“At bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin yan maintindihan? Akala ko ba magaling ka sa math? Eh, geometry lang naman yan ah!” Reklamo ko.

Tinitigan niya na rin ako.

“Eh hindi ko talaga maintindihan. Ano pang magagawa ko kung ganun? Kaya nga ako nagpapaturo sa’yo diba?” Sabat niya.

I slapped my forehead in annoyance. Napatingin ako sa direksyon nina Justin, Gab, Alyssa at Emily, na puro nagsasagot ng mga questionnaires at nananatiling tahimik na lang.

I crossed my arms and looked pointedly at Adrian.

“Kung magpaturo ka na lang kaya sa iba noh? Tutal, mukha namang wala kang naiintindihan sa mga itinuturo ko eh.” Sabi ko. Napatingin naman ako sa direksyon ng mga kabarkada ko. “Sige, alis muna ako saglit guys. Tawagin niyo na lang ako kapag tapos niyo nang sagutan yung mga questionnaires.” Paalala ko.

Tumango na lang silang apat. Agad naman akong umalis at naglakad papunta sa kabilang table.

“Oy, sa’n ka naman pupunta?” Tawag ni Adrian sa akin.

I turned around and gave him a mocking smile.

“Anywhere else but there.” Sagot ko, sabay lakad paalis.

Dumiretso ako sa table na malayu-malayo doon at pumunta sa pwesto ng mga batchmates kong sina James Evangelista, Drake San Isidro at Oliver de Guzman, na puro nagsasagot ng kani-kanilang mga questionnaires.

“Meron ba kayong mga tanong regarding the lesson o di kaya mga nahihirapang topics?” Tanong ko sa kanila.

Umiling sina James at Oliver at nagpatuloy sa pagsasagot. Si Drake naman, itinaas ang kamay niya at tumingin sa direksyon ko.

“Ah, Naomi. Pwede paturo dito sa balancing chemical equations? Hindi ko pa rin kasi ‘to maintindihan eh.” Sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya.

“Saang part ba yung hindi mo maintindihan?” Tanong ko sa kanya.

“Yung sa coefficients. Nakakalito kasi eh.” Sagot niya, sabay turo sa libro.

I took out a pencil and wrote a few notes on his book.

“Sa balancing chemical equations kasi, kailangan mo munang tingnan yung bawat element at yung corresponding subscript nito. For example, sa equation na H + O2 -> H2O…” Pag-e-explain ko.

After a few more clarifications, mukha namang naiintindihan na rin ni Drake yung lesson. At least, I think so. Madalas kasi, ako yung tinitingnan niya habang nag-e-explain ako, hindi yung libro mismo.

“Do you get it now?” Tanong ko sa kanya pagkatapos.

He blinked back several times and finally looked at the book.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon