Kabanata 24

6.1K 184 18
                                    

Kabanata 24

Worth it

Naiinis kong tinignan si Alrus, kanina pa siya sunod ng sunod sa akin. Umirap ako ng ilang beses bago huminga ng malalim at umirap na naman. Jusko, naloloka na ako sa kanya! Kanina ng makarating kami sa hospital, bigla siyang naging ganito ka-clingy sa akin! Syempre, nakita niya si Brix! Oo, nakita niya si Brix! Yung kaibigan ko naman, siraulo talaga! Mas lalo niyang pinupuno si Alrus!

"Pwede ba, wag ka ng sumunod sa akin! Ang lapit lang ng pantry, jusko Alrus!" inis kong sabi.

Huminto siya at humarap sa akin. Kalalabas lang namin ng clinic room ko. Naiwan si Adriel kay Lalaine at Brix. Naisipan ko namang lumabas ng clinic kasi gusto kong uminom ng tubig. At ito nga, sumunod siya sa akin hanggang dito. Kanina, sobrang clingy niya talaga! Halos umupo sa kandungan ko habang mariin ang titig kay Brix. Siraulo talaga!

"Susundan kita kasi gusto kong makasiguro na hindi ka lalapitan ng lalaking iyon!" he said emphatically.

I rolled my eyes for ninth times!

"Alrus, kaibigan ko nga lang si Brix! Walang namamagitan sa aming dalawa!" ubos na pasensya kong sabi.

He sighed. Naiinis rin ako sa mukha niya ngayon. Hindi ko alam kung paano ko ito naramdaman, pero ngayong araw ayoko talaga siyang nakikita. Naiinis ako sa mata niya, sa ilong niya, sa labi niya at sa amoy niya! Naiinis ako kapag nakikita kong ngumingiti siya at natutuwa! Naiinis ako sa presensya niya! Nakakainis siya! Sobra! Dati naman hindi ko ito nararamdaman ah, pero bakit ngayon ganito na? What's happening to me? Kailangan ko na siguro magpa-check up!

"Wala akong tiwala sa lalaking iyon! At ito pa, gusto kong magpa-check up tayo! I want to know what's going on with you, and why are you vomiting." aniya sa mahinahong boses.

Umiling ako at umirap ulit.

"Kaya kong magpa-check up kahit hindi ka kasama! Atsaka naiirita ako sayo, Alrus! Kaya dumistansya ka!" inis kong sagot.

Kumunot ang noo niya. Kitang-kita ang pagtataka sa akin.

"Alam mo, naguguluhan na ako sayo. Kagabi, halos umibabaw ka sa akin habang niyayakap ako tapos ngayon halos isuka mo ako. What's wrong with you, honey?" he said curiously.

Mas lalong nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Mas lalong pumutok ang inis ko sa kanya. Huminga ako ng malalim bago umiling at mabilis na naglakad. Iniwan ko siya at tinalikuran dahil kapag hindi ko iyon ginawa, baka sumabog ako ng tuluyan sa harap niya. Ayoko pa namang gumawa ng eksena sa gitna ng hospital. Naramdaman kong sumunod pa rin siya sa akin, umirap na naman ako ng pumasok sa pantry. Hindi ko sinarado ang pinto, hinayaan ko siyang isarado iyon.

Lumapit ako sa water despenser, inabot ko ang disposable cup, kumuha ng tubig at ininom. Nang matapos uminom, tinapon ko sa trash can ang ginamit na baso bago siya harapin ulit. Tinaas ko ang kilay bago umirap.

"I'm really confused, honey. Kagabi, maayos naman ah? Diba nga, tumugon ka sa mga kiss ko. Halos hindi mo ako bitawan ng yakap kagabi. Bakit ngayon,  ayaw mo na ulit?" he said in very low voice.

Bumuntonghininga ako. Jusko naman, maging ako ay naguguluhan na rin sa sarili. Kailangan ko na talagang magpa-check up. May kutob akong iba e, may kakaiba akong nararamdaman. Parang may laman ang tiyan ko. Parang may buhay sa loob ng sinapupunan ko. Hindi lang ako sigurado pero nararamdaman ko rin.

"I'm sorry okay. Hindi lang yata maganda ang gising ng umaga ko." mahina kong sabi.

I calm myself.

"We should have a check-up for you. I need to confirm something." he said calmly.

Pumikit ang mga mata ko bago dahan-dahang tumango. Nang minulat ko ang mata, nagkatitigan kami. Lumapit siya sa akin at niyakap ang baywang ko. Huminga ako ng malalim bago ngumiti.

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now