Kabanata 9

4.4K 168 50
                                    

Kabanata 9

Good luck

"Doc ganda, wake up."

Nagising ako sa boses na gumigising sa akin. Minulat ko ang mga mata, punong-puno ng pag-aalala ang mukha ni Brix. Hingal na hingal akong umiwas ng tingin sa kanya. Sinapo ko ang noo, naramdaman ang pawis doon. Oh God! Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ganoon ang panaginip ko?

"Himbing ng tulog mo ah! Sarap na sarap ka kasi sa kwekwek e." dugtong niya.

Napapikit ako ng mata tsaka bumaling sa kanya. Alanganin akong ngumiti kahit na alam kong magmumukha akong tanga sa kanya.

"A-ano bang nangyari?" takang tanong ko.

He sighed heavily.

"Ganito yun, pagkatapos nating kumain ng kwekwek sinabi mong ihahatid mo ako kaya sumakay ako sa kotse pero naabutan kitang natutulog at pinapawisan. Mukhang matindi ang panaginip mo ah!" aniya sa nagtatakang boses.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Shit! Just shit! Napanaginipan ko kaming dalawa, may ginagawang milagro! Akala ko totoo iyon! Akala ko, gumawa na ako ng kasalanan! Oh God! Hindi ko pwedeng gawin iyon! Kasal parin kami ni Alrus! Kasal parin ako sa asawa ko! Ayokong madumihan ang budhi ko! Mabuti nalang at isang panaginip lang iyon!

"It's nothing." mahina kong sagot.

Ngumuso siya at tumango-tango. Binuhay ko na ang kotse at umalis kami sa lugar na iyon. Tahimik kami sa buong biyahe. Hindi ko alam kung bakit hindi nagsasalita ang kasama ko.

"What time is it?" I asked to kill the silent.

I heard his deep sighed.

"It's already eight." maikli niyang sagot.

I nodded. Hindi na ako nagtanong pa. Nang makarating kami sa tapat ng apartment niya, hininto ko ang sasakyan at tumahimik muli kami.

"Thank you." he said.

I sighed.

"Huwag muna tayong magkita, Brix. I need to clarify something in myself." mahina kong sabi.

Napabuntong-hininga rin siya. Sinubukan kong pakalmahin ang puso kong nagsisimula ng dumagundong sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang sabihin ito. Siguro dahil kailangan ko munang i-distansya ang sarili sa kanya. This past few days, para akong nakakaramdam ng kakaiba sa sarili. I want to clear something in me!

"Okay, sige." malamig niyang sabi.

I was about to explain but he get outside immediately. Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan siyang mabilis na pumasok sa apartment niya. I closed my eyes tightly! What have I done? Mabuting tao si Brix! He was in my side while I'm devastated! He was with me while I'm in pain! Bakit ko nagawa iyon? Am I out of my mind?

Dala ng kapaguran, mabilis kong pinaharurot ang sasakyan pauwi sa condo. Pagod kong nilagay ang bag sa sofa at umupo. Pinikit ko ang mga mata at umiling-iling sa sarili. What happened to me? Why am I acting strange? Simula ng mapanaginipan ko iyon kanina, I feel something wrong! Kahit naman ginagawa sa akin ni Alrus itong kasakitan, ayokong tumulad sa kanya! Ayokong magkasala sa Diyos! Kahit dinadanas ko itong pighati at kabiguan, ayokong gawin ang ginawa niya ring kasalanan!

Napamulat ako ng mata dahil sa tunog ng cellphone ko. Matamlay ko iyong kinuha at sinagot. I didn't even know who's the caller.

"Yes, hello?"

"Hi, Samantha. How are you? Kumusta kayo ni Alrus dyan?"

Napaupo ako ng maayos dahil sa boses ng mama ni Alrus. I sighed heavily.

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now