Kabanata 23

6.4K 186 33
                                    

Kabanata 23

Bwesit

Malalim akong bumuga ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang tensidad sa pagitan naming tatlo. Mariin ang mga titig ni Alrus sa kaibigan kong cool lang na nakaupo habang may ngisi sa labi. Mahigpit kong hinawakan ang gilid ng sofa at kinagat ang labi.

"Hindi mo sinabi sa akin na dito kayo titira ng anak ko! Sa lahat ng tao, sa ibang lalaki pa talaga!" Alrus said furiously.

I sighed heavily. Kanina ng maabutan niya kaming nag-uusap ni Brix, kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi ko alam ang gagawin dahil maging ako ay kinabahan sa itsura niya. Honestly, kapag nagseselos siya, sobrang hirap talagang suyuin. Nagiging matigas ang puso at mahigpit sa akin. Noon, kapag naaabutan niya akong may ibang kausap na lalaki, tumatakbo na agad ang puso ko sa kaba at takot. Malala siya kung magselos. Pero ngayon, nagseselos nga ba siya?

"Al, galit pa ako sayo nung lumipat kami dito. Atsaka mas mabuti na rin ito para at least may kalayaan ka na." mahinahon kong sabi.

Umiling siya at dumilim ang mga mata.

"Fuck that freedom, Samantha! Kahit ikulong mo ako, wala na akong pakialam ngayon! Ang gusto ko makasama kayong dalawa! Kaya ngayon, buo na ang desisyon ko! Sasama kayo sa akin!" matigas niyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi niya. What? Really? Isasama niya talaga kami?

"Alrus, hindi naman kasi pwede---"

"No! No alibi or anything! Sasama kayo sa akin! Kayo ng anak ko!" he said firmly.

Tumawa si Brix na parang siraulo. Mas lalo akong naguluhan ng tumawa ito.

"Bakit ka tumatawa ah? Gusto mo sapakan tayo?!" galit na sabi ni Alrus.

Nagulantang ako, mabilis na tumayo dahil umiigtang na ang bagang ni Alrus. Ang kamao ay kuyom na kuyom at gusto ng manapak. Jusko, ayokong makakita ng live show dito!

"Relax, pre. Relax ka lang. Sobra ka bang threaten sa akin? Tsk, honestly sa dami ng nagawa namin ni doc ganda, siguradong memorable iyon sa kanya." nakangising sabi ni Brix.

Nanlaki ang mata ko, sabay sa paglapit ni Alrus sa kanya at kwenelyuhan siya. Napatayo na rin si Brix, may ngisi pa rin sa labi.

"Anong sabi mo ah!? Tangina! Fuck you!" Alrus said frantically.

Brix smirked annoyingly.

"Hindi ka bingi kaya alam kong narinig mo iyon!" he said while smirking.

Mabilis kong inawat si Alrus ng tangkang suntukin na niya si Brix. Tumatawa lang ang kaibigan ko habang nakatitig sa pikon na Alrus. Kinabahan ako sa kanila, siguradong malaking gulo ito!

"Papaduguin ko yang bibig mong tangina ka!" galit na galit na sabi ni Alrus.

Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat, nagkatitigan kami. Madilim at galit pa rin iyon, gustong manakit.

"Al, kumalma ka muna please? Baka magsuntukan pa kayo dito e." marahan kong sabi.

"Sobrang sweet nga sa akin ni doc ganda e. Akalain mo, ang ganda-ganda ng asawa mo tapos pinagpalit lang." Brix continue to annoyed Alrus.

"Shut up! You! Fucking! Shut! Up!" Alrus said madly.

Narinig kong humalakhak si Brix sanhi ng pagputok ng galit ni Alrus. Bumuntonghininga siya at kumalma naman kahit papaano. Nilayo ko rin siya para hindi na masundan pa ng away. Hinawakan ko ang kamay niya ang pumasok kami sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto bago kami magharap.

"Totoo ba lahat ng mga sinabi niya, Samantha? Ginawa niyo lahat iyon ah?" tanong niya sa basag na boses.

Huminga ako ng malalim bago siya pagmasdan na namumungay ang mata. Ganito siya kapag nagseselos noon, haharapin ako habang umiiyak. Pagkatapos magiging mahigpit na ulit sa akin.

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now