Kabanata 11

5.5K 192 29
                                    

Kabanata 11

Good Job

"Hoy, mga sukilabs bili na kayo ng bago kong abot na panties at briefs."

Sigaw ko sa mga suki ko na bumibili sa akin ng mga ukay-ukay at iba pa. Walanghiyang pumasok ako sa loob ng isang hotel kung saan ako palaging naglalako ng bagong dating na mga damit, o di kaya'y undergarments. Ganito ang buhay ko, isang business woman ng mga damit. Sa dami ng suki ko, ang mga bagong dating ay nauubos agad.

Kumunot na naman ang noo ng isa kong suki na kabibili palang ng dress sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay habang binabandera ko ang isang malaking plastic na lalagyan ko. Hindi na ako pinapagalitan ng may-ari nitong hotel dahil parati naman akong nandito. Tsaka bumibili din sila sa akin, paano may discount kaya sige nalang.

"Jen, ano bili ka ulit ng undies? Mga bago 'to, ang babango pa!" magiliw kong sabi.

Bumuntonghininga ang sukilabs ko.

"Vida, kabibili ko lang ng bagong dress sayo kahapon tapos ngayon bebentahan mo na naman ako ng mga panties. Seryoso ka te? Balak mo bang ubusin ang sahod ko sa isang buwan?" sarkasmo niyang sabi.

Ngumisi ako at tinampal ng mahina ang balikat niya.

"Naku ikaw naman uy! Ayaw mo ba ng bagong panty? Balita ko, gwapo daw yung boyfriend kaya dapat bumili ka! Paano kung mag-sex kayo tapos langlang na yung panty mo? Naku naku, malaking disappointment yan sa gwapo kong nobyo!" sunod-sunod kong sabi.

Tumaas ang kilay niya at nag-isip. Ilang sandali pa'y napabuga ng malalim na hangin.

"Sabagay tama ka! Baka nga ma-turn off yun sa akin kapag nagchugchugan kami. Sige bibili ako ng isang set ng dark panty." aniya sa mahinang boses.

Kumislap ang mga mata ko sa sinabi niya. Perfect! Mabilis kong kinuha ang order niya at binigay sa kanya. Sanay na ang mga empleyado dito sa akin, kahit pa maglabas ako ng iba't-ibang uri ng pangloob ay okay lang.

"Ayan, sobrang bagay yan sayo! At talagang gaganahan yang boyfriend mo kapag nakita na ganyan ang suot mong panty!" dugtong ko pa.

Tumango siya at mabilis na naglabas ng five hundred sa wallet niya. Malugod ko iyong tinanggap at pinasok sa lalagyan ko ng pera. Sunod ko namang inuto ay si Roshe. Mabilis siyang tumalikod sa akin ngunit nahawakan ko ang braso niya kaya nahinto siya. Kala mo ah!

"Hi bes! Naku, alam mo bes may bago akong dala na mga panties para sayo! Maganda ang telang ginamit at comfortable pa!" pang-eengganyo ko sa kanya.

She sighed heavily.

"Ano ba naman, Vida! Kabibili ko lang ng sapatos sayo kahapon. Ubos na income ko para sa isang buwan dahil sa mga paninda mong hindi maubos-ubos." reklamo niya.

Mahina kong tinampal ang balikat niya at nginisihan.

"Alam mo bes, balita ko may problema kayo ng asawa mo! Baka siguro nati-turn off na siya sayo kasi tanggal na ang garter ng panty mo. Naku naku Roshe, aba'y dapat mo na yang palitan para di ka palitan ng asawa mo! Ikaw bahala, pera lang naman ang mawawala sayo pero yung asawa mo, pwedeng pwedeng madekwat ng iba. Dami pa namang higad sa tabi-tabi." pang-uuto ko pa sa kanya.

Gaya ni Jen, wala siyang nagawa kung di tumango kahit na alam kong labag sa kanya ang bumili.

"Sige na nga! Sira na rin kasi yung dalawa kong panty. Salitan lang kung gamitin ko kaya bibili nalang ako." she said out of no choice.

I smile widely. Napaka-plastic ko talagang tao! Kinuha ko ang paborito niyang rose panty. Nagniningning pa ang mga mata ko habang pinapakita sa kanya.

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now