Simula

9.6K 243 50
                                    

Simula

"Congratulation, virus free na tayo!"

Sa tuwing naaalala ko ang katagang iyan, nanginginig ang puso ko sa saya. Masayang masaya kami lalo pa't malaking bagay ang nagawa ni Dr. Costiño sa buong bansa. Siya ang tumulong sa Pilipinas para mawala ang nakamamatay na sakit noon. Hindi ko makalimutan ang mga pinagdaanan namin noon. Naging delikado man para sa aming mga frontliners noon, nakaligtas parin dahil sa awa ng Diyos.

Pero sa lahat ng masamang mangyayari sa akin, bakit ang pinagbubuntis ko pa ang mawawala? Bakit ang magiging anak namin Alrus ang mawawala? At bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Hindi ko naman ginustong mawala ang anak namin huh! Hindi ko gustong mawala si baby pero sadyang hindi siya para sa amin e! Hindi siya para sa akin kaya nagkasira kami ni Alrus. Nasira ang pagmamahalan namin. Winasak niya ako kasabay ng pagkawala ng anak namin. Binugbog niya ang puso ko, wala siyang ginawa kung di ipamukha sa akin na wala akong kwentang asawa.

Naligtas nga namin ang mundo noon, pero nawala naman sa akin ang pinakamamahal kong lalaki. Nawala ang kasal namin. Nawala ang pagsasama namin. Nawala siya dahil hindi niya tanggap na nahulog ang batang nasa sinapupunan ko. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat. Pakiramdam ko, ako ang sinisisi niya sa lahat ng nangyari sa amin. Na malas ako, na wala akong kwentang asawa! B-bakit ganito siya? B-bakit niya ako sinasaktan? B-bakit ganito ang nangyayari sa aming dalawa?

Yumuko ako para pahirin ang luhang tumulo sa mata ko. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang lalaking nakikipaghalikan sa babae niya. Kitang-kita ko kung paano halikan ng marahan ni Alrus ang babaeng isang buwan na niyang binabahay. Kung paano niya ito hawakan, at kung paano siya ngumiti sa babaeng iyon. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang pinakamamahal ko na unti-unti ng naglalaho sa akin. Ang lalaking malapit ko ng bitawan.

Tumalikod ako para umalis nalang at hayaan sila. Ayokong makipag-away dahil masasaktan lang ako kapag ipagtanggol niya ang babae. Masasaktan lang ako kapag mas unahin niya ang babae kaysa sa akin na asawa niya. Ayokong umiyak sa harapan nila habang nagmamakaawa sa lalaking tinalikuran ako. Ayoko ng umiyak at masaktan ng paulit-ulit. Ayoko ng dalhin ang sakit na naidudulot niya sa akin. Napapagod na ako.

Mabilis akong naglakad paalis sa restaurant na iyon. Hindi ko na sila kayang panoorin habang ako, ilang araw at gabi na niyang hindi inuuwian. Pinahid ko ang luhang tumutulo habang naglalakad ako ng mabilis. Umiiling-iling ako sa gitna ng daan, tumawid sa kalsadang muntik ng mabunggo. Kinagat ko ang labi para hindi mapahagulgol sa maraming taong nakatingin sa akin. Halos matumba ako ng mapaupo sa gilid ng kalsada, yumuko at hindi kinayang ikimkim ang sakit na nagdudulot sa puso ko.

Isang buwan na niya akong ginagago. Isang buwan na niya akong pinanlalamigan. Isang buwan na rin akong nasasaktan sa ginagawa niya. Ilang taon na ang nakalilipas simula ng mawala din ang una naming anak. Kinasal kami ng patago, civil weeding. Tanging pamilya lang namin ang may alam sa pagpapakasal namin. Walang ibang imbitado, siya at ang pamilya niya lang. Ngayon naman, isang linggo pagkatapos mawala ulit ang pangalawa naming anak, naging malamig na siya sa pagsasama namin. Hindi na siya yung lalaking malambing sa akin. Tuluyan ng nawala ang lalaking minahal ko ng lubusan.

Hindi ko naman ginustong mawala ang dalawa naming anak e! Hindi ko ginustong malalaglagan kasi alam kong gustong gusto na niyang magkaanak kami. Gusto niyang makita ang maliit niyang bersyon pero hindi ko iyon nabigay. Hindi ko iyon maibigay sa kanya dahil sa tuwing nagbubuntis ako ay madaling mahulog ang baby sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin sa relasyon naming nagye-yelo na. Nawawalan na ako ng lakas sa aming dalawa. Pilit ko mang iahon ang pagsasama namin, hindi ko na kaya kasi pagod na ako. Pagod na akong hayaan ang ginagawa niya sa akin. Pagod na kong magmahal. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong humiling na sana bumalik na siya. Bumalik na ang lalaking pinakamamahal ko.

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon