Kabanata 8

4.1K 155 27
                                    

Kabanata 8

Wake up


"Doc, kasalukuyang nasa probinsya ang babae na kabit ng asawa mo. Bukas ang uwi sa condo nilang dalawa."

Iyon agad ang bumungad sa akin ng sagutin ko ang tawag ni Ramona. Napahinga ako ng malalim at tsaka malungkot na ngumiti sa asawa kong mahimbing na natutulog sa kama namin. Wala akong saplot, nagising lang ako dahil sa tawag niya.

"Salamat, Ram."

Mahina kong sabi. She sighed heavily.

"Bakit, doc? Nandyan ba ang asawa mo ngayon?"

Umiwas ako ng tingin sa hubo't-hubad na lalaking nasa kama ko. May nangyari ulit sa amin. Hindi lang isang beses, kung di halos abutin kami ng umaga. Sinubukan kong pagaanin ang boses para hindi niya mahalatang pagod ako.

"Ah, O-oo e."

"Sus! Walanghiyang lalaki talaga yan! Doc, naaatiman mo pang makasama yan?"

I sighed heavily. Hindi ko rin alam kung bakit ganito kami ngayon. Pero sa sinabi ni Ramona, napagtanto kong nandito siya dahil wala ang babae niya. Nandito siya dahil wala siyang ibang kasama sa condo nila. Ang sakit isipin na umuuwi lang siya dahil wala dito ang babae niya. Na nasa akin lang siya kapag wala dito ang kabit niya.

"R-ram, hayaan mo nalang ako. Salamat sa tulong na ginagawa mo sa akin."

"Doc naman! Pakiusap, tigilan mo na yang asawa mo. Sign the annulment paper and leave. Huwag mo ng sayangin ang buhay sa walang kwentang tao."

Napatakip ako ng bibig dahil gumalaw si Alrus. Tanging puting kumot lang ang nakatakip sa katawan niyang hubad.

"D-dadating din ako dyan, Ram."

"Doc, please lang. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap."

I smile sadly.

"Thank you."

I ended the call. Napahinga ako habang pinagmasdan ulit ang asawa ko. Alas-kwatro ng umaga na, pero tulog na tulog parin siya dahil napuyat kagabi sa ginawa namin. Pinulot ko ang damit sa sahig tsaka nilagay sa tray. Kumuha ako ng damit, pumasok sa banyo para maligo. Napabuga ako ng malalim dahil sa lamig ng tubig na bumuhos sa katawan ko. Pinikit ko ang mata, nag-isip ng mga bagay sa aming dalawa.

Tama pa ba itong ginagawa ko? Tama pa bang umasa ako sa kanya? Tama pa bang hayaan ko siyang gawin namin ito? Asawa ko parin naman siya huh! Hindi pa ako pumipirma sa annulment paper kaya akin pa rin siya. Pero ang tanong, akin pa rin ba ang puso niya? Ako parin ba ang nasa puso niya? Hindi ko na alam! Basta ang tanging nasa isip ko ay masaya ako sa mga nangyayari sa amin ngayon. Masaya ako dahil nasa akin siya ngayon. Nandito siya at kapiling ko.

I cleaned my body properly. Pagkatapos ay lumabas ako na suot-suot ang bagong damit. Bumungad parin sa akin ang mahimbing na tulog ng asawa ko. Napangiti ako at lumapit sa kanya para halikan siya sa labi. Hindi ko malilimutan ang mga pinagsaluhan namin kagabi. It was indeed pleasurable! Good! Lumabas ako ng kwarto, sinuot ko ang sneakers na sapatos, headset at cellphone bago lumabas ng condo namin. Nilagay ko sa tainga ang headset, nagsimula akong mag-jogging sa labas.

Madilim pa pero gusto kong mag-jogging ngayon. Sumasabay ang buhok ko sa pagtakbo. Binilisan ko pa ang jogging hanggang sa mapagod ako. Huminto ako sa may punong banda at huminga ng malalim. Ilang oras pa akong nag-jogging, may sumasabay na din sa akin kaya mas lalo akong na-ingganyo. Umabot pa kami ng umaga hanggang sa magpasya akong umuwi na dahil pasado alas-singko na pala. Pawis na pawis akong pumasok sa condo, ngumiti pa bago dumiretso sa kwarto namin pero agad nawala ang saya ko ng makitang wala na ang asawa ko sa higaan namin.

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now